"Anong nangyayari ba don sa dalawang yon?" Naguguluhang tanong ni Owen saming tatlo nina Janey at Madi.
"Hindi ba sinabi sainyo ni Clyde?" Pabalik na tanong ni Madi kay Owen.
"Ang alin?" Tanong ulit ni Owen.
"Buntis si Erika." Deretso at walang emosyong sagot ko. Nasamid naman dahil sa gulat si Owen.
"Tangina, ano?!" Gulat na sabi niya.
"So hindi nga niya sinabi sainyo.. ang galing." Nakangising sabi ni Janey habang umiiling.
"Putangina.. buntis si Erika.. fuck! What the fuck!" Hindi mapakaling sabi ni Owen. Napapatakip pa siya sa bibig niya. Parang tanga lang amp.
"Kailan pa? Ilang buwan na yung baby niya sa tyan niya?" Tanong niya habang natataranta parin.
"2 months na. May balak nga syang ipalaglag na lang dahil dyan sa napakagaling nyong tropa. Ikinagwapo niya kasi yung pagsasuggest na ipaabort na lang yung bata e." Masungit na sabi ni Janey. Halata sa itsura niya na naiirita na siya kanina pa.
"Sandali nga, kakausapin ko si Clyde!" Paakyat na si Owen nang pigilan siya ni Madi.
"Wag.. hayaan mo na muna silang dalawa na mag-usap." Malumanay na sabi ni Madi. Kumalma naman siya at nanahimik na lang.
"Hintayin mo na lang na bumaba si Clyde. Pag iniwan mo yon, walang maghahatid don pauwi. Lasing pa naman yon." Sabi ko at umupo na lang muna sa sofa. Napagod ako ngayong araw e. Ang daming ganap.
"Don na lang ako sa kotse maghihintay. Wala ring kasama si Julian don e, kawawa naman." Natatawang sabi ni Owen bago magpaalam at lumabas na ng bahay.
Nagtinginan naman kaming tatlo saka sabay sabay na bumuntong hininga.
Ano kayang mangyayari sa tropa namin? Ang stressful nang pinagdadaanan niya.
Ilang minuto pa ang nakalipas at bumaba na si Clyde. Derederetso lang siya palabas. Ni hindi nga siya lumingon saming tatlo e. Hindi ko maexplain yung expression ng mukha niya nung bumaba siya galing kwarto, hindi ko tuloy masabi kung good news or bad news ba yung napag-usapan nila.
Napansin naman namin na hindi bumaba si Erika kaya naisip namin na hayaan na lang muna siya para makapagpahinga at makapag-isip.
"Tara, sa guest room na lang muna tayo matulog. Hayaan na lang muna natin si Erika na mapag-isa." Pag-aaya ni Madi. Sumunod naman kaming dalawa ni Janey.
Nandito na kami ngayon sa guest room at nakahiga na. Dito ako sa sofa nakahiga at yung dalawa naman ay magkatabi don sa kama.
Tulog na tulog na sila samantalang ako, mulat na mulat parin e alas dos na ng madaling araw.
Hindi ako makatulog dahil sa mga nangyayari sa paligid ko ngayon.
Pero mas nagfofocus ako don sa part na sinabi ni Axel na mahal niya ako; sa harap pa mismo ng kakambal ko, na hindi ko alam na kambal ko pala. Odiba ang gulo?!
Nag-init naman bigla ang mukha ko nang maalala ko yung pagngiti ni Axel nung sinabi ko sakanya na balak kaming ipakasal ng mama niya. Para bang gustong gusto niya talaga na ikasal kami.
Ay shet ba't ko ba iniisip si Axel ha?! Bakit siya yung iniisip ko?!
_____
Nagising ako dahil sa lakas ng katok sa gate namin. Bumangon naman agad ako nang walang tingin tingin sa salamin.
Walang mumog at hilamos akong lumabas ng bahay.
Bumungad naman sa harap ko ang napakagwapong mukha ni Carlo.
BINABASA MO ANG
Nanay Na Ako?!?!?! [BTSPINK FF]
FanfictionAko po si Loryn Urizawa Villareal. Isang simpleng estudyante na nag-aaral sa University of the Great Imperial. Rhyming ah? Hehe. So ayun na nga. Tahimik lang ang buhay ko pero masaya naman. Until one day, nameet ko tong lalaking ito na sumira ng kin...