[Sa sobrang tagal ko ng di nag-uupdate, nakalimutan ko na kung anong date na sa story ko kaya kunwari November na ngayon tapos magki-Christmas break na sila.]
Ilang linggo na din ang nakalipas simula ng manirahan ako dito sa mansyon ng mga Adriano. Nung una ayos pa, pero nung tumagal tagal na, onti onti ko ng nalalaman ang tunay na ugali ni madam Anastacia.
"Diba sinabi ko naman sayo na wag kang tatanga tanga?! Magpapabuntis ka tapos ngayon hindi mo gagampanan ng maayos yang pagiging ina mo! Paano kung nagkasakit ang apo ko?! Gamitin mo nga yang utak mo kahit minsan!" Gigil na gigil na sabi niya saakin. Naiwan ko kasi sa taas si Xin habang nakasakay sa walker niya. Muntik na syang mahulog sa hagdan kaya eto, sobra na lang kung makaduro sakin si madam Anastacia.
"Ayusin mo yang buhay mo, Loryn ah. Nagtitimpi lang ako sayo dahil ikaw ang nanay ng apo ko pero pag naubos talaga pasensya ko sayo, bahala ka na." Pagkatapos nyang sabihin yan ay iniwan na niya ako. Bumuntong hininga na lang ako para kahit papaano ay gumaan ang aking pakiramdam.
"Ma'am, ayos ka lang po ba?" Nag-aalalang tanong sakin ni ate Yoli. Tumango na lang ako at ngumiti pero deep inside sobrang sakit na.
"Ate Yoli, pabantay muna si Xin. May aayusin lang po ako." Sabi ko kay ate Yoli saka pumasok ng kwarto.
Umupo ako sa kama at dinia ng dahan dahan ang number ni Madi.
"Jusko Loryn! Akala ko hindi ka na magpaparamdam. Halos isang buwan na oh! Ano bang nangyayari sayo? Tinatawagan ka namin, di ka naman matawagan! Pinag-aalala mo kami!" Bungad niya sakin. Di ko siya masisi. Kung siya din naman ang nasa sitwasyon ko, mag-aalala din ako ng sobra.
"Pasensya na kayo. Naging busy lang ako dito. Ang hirap pala." Mahinang sabi ko. Napapayuko na ko dahil parang maiiyak na ko sa bigat na nararamdaman ko.
"Hindi ka naman siguro minamaltrato dyan 'no?" Kung pwede lang sanang sabihin e. Kaso pag sinabi ko, baka sugurin nila si Axel. Ayaw kong ni isa sakanila ni Carlo malaman kung nasaan ako.
"Hindi. Nahihirapan lang ako dahil first time kong mag-alaga ng bata. Ganito pala ang feeling ng maging ina pero di pa ready." Nagpanggap akong tumatawa kahit pumapatak na talaga ang mga luha ko.
"Ayusin mo buhay mo Loryn. Kilala kita. Halata sa boses mo na may problema ka. Kapag handa ka ng sabihin samin yan, andito lang kami. Makikinig kami sayo, okay? Sige na. Magpahinga ka na muna. Mukhang pagod ka e." Mabuti na lang at may kaibigan akong maintindihin.
Inend ko na ang tawag pagkatapos kong magpaalam sakanya.
Balik sa realidad.
Bumaba na ako at kinuha si Xin ss walker niya.
"Saan pumunta si madam Anastacia?" Tanong ko sa isang katulong na nagvavacuum dito sa sala.
"Pumunta po sa office niya sa Pasay." Sagot naman niya. Tumango na lang ako at umupo sa sofa.
Napansin ko naman na tahimik at nakatingin lang sakin si Xin. Nginitian ko siya at niyakap. Grabe, pati ba naman 'tong batang 'to nababasa yung emosyon ko.
"Ma'am Loryn, ano pong balak niyo sa birthday ni Xin?" Masayang tanong sakin ni ate Yoli na galing ata sa kusina.
At dahil lutang ako, naitanong ko ang dapat pinag-isipan ko muna bago ko tinanong.
"Kailan po ba birthday ni Xin?" Pati ako nagulat sa sarili kong tanong.
"P-po?" Nakakunot noong sabi niya. Bakas sa mukha niya ang pagtataka. Pati yung nagvavacuum na maid nakatingin na sakin.
Ako naman parang na-caught on action sa sobrang kaba na baka malaman nila ang totoo.
"Mimi.. Dada!" Mabuti na lang at nagsalita si Xin.
BINABASA MO ANG
Nanay Na Ako?!?!?! [BTSPINK FF]
FanfictionAko po si Loryn Urizawa Villareal. Isang simpleng estudyante na nag-aaral sa University of the Great Imperial. Rhyming ah? Hehe. So ayun na nga. Tahimik lang ang buhay ko pero masaya naman. Until one day, nameet ko tong lalaking ito na sumira ng kin...