Hindi nakasagot si Carlo sa tanong ni Axel. Napayuko lang sya.
"Mauna na kami." Maiksing sabi ni Axel at hinatak na ako paalis sa park.
Hindi ako kumikibo kahit nasa byahe na kami.
Bukod sa naguguluhan ako, nahihiya din ako kay Axel.
Jusko, ikaw ba naman ang nasa sitwasyon ko, hindi ka ba mahihiya?
"Ba't ang tahimik mo dyan?" Nagtatakang tanong nya.
Aba? Para wala syang sinabing something kanina ah?! Patay malisya lang? Tss.
Ako nga mabaliw baliw na kakaisip dito, samantalang sya chill lang.
"About dun sa kanina.. don't take it seriously." Bigla naman akong nanlumo sa sinabi nya.
Hala, wait! Bakit ako nanlulumo? Umaasa ba ko? We?
Hindi parin ako kumikibo kahit na kinakausap na nya ko.
"Magaling ka na ba?" Tanong nya. Di ulit ako sumagot. Hinawakan nya ang noo ko.
"Mainit ka parin. Pero bakit sumama ka dun sa Carlo na yon? Ganon ka na ba talaga kabaliw sakanya? Na kahit may sakit ka, gagawin mo ang lahat makita lang sya?!" Yung totoo? Galit ba sya o concern lang?
"Pake mo?" Mahinang sabi ko.
"Loryn naman! Kailangan ka ni Xin! Ngayong may sakit ka, nahihirapan akong alagaan sya." Bulyaw nya.
"Axel, hindi ako katulong. Kung ganyan lang pala ang itatrato mo sakin, edi sana kinuha mo na lang ako bilang katulong o baby sitter ni Xin! Hindi yung nagkukunwari ka pang concern dyan pero ang totoo lang naman, gusto mo na kong gumaling para ako ang mag-alaga sa anak mo tapos ikaw gagawin ang gusto mong gawin!" Inirapan ko sya kahit di sya nakatingin sakin.
"Ginagawa ko din naman ang part ko bilang ama ni Xin ah?! Kaya sana naman gawin mo din ang part mo bilang ina nya!" Ay wao?!?!
"Ipapaalala ko lang sayo, Axel. Hindi ako ang tunay na ina ni Xin. Ako lang ang umako dahil no choice ako pero wala akong responsibilidad sa anak mo! Anak mo yon kaya dapat alam mo kung paano sya alagaan! Puro kasi landi, wala naman palang alam sa buhay!" Saktong pagtapos kong sabihin yan, bigla syang nagpreno. Muntik naman akong masubsob.
"Ang kapal naman ata ng mukha mo para sabihan ako ng ganyan?! Makapagsalita ka akala mo napakalinis mo!" Napatahimik ako dahil sa sinabi nya.
"Tignan mo muna yang sarili mo bago ka pumuna ng ibang tao!" Padabog nyang pinihit ang kambyo at pinaandar na ulit ang sasakyan.
Hindi na lang ulit ako nagsalita dahil naiiyak ako.
Bumalik yung dating sya.
Yung matapang na Axel.
Ganyan sya umasta non nung nagkausap kami sa mall.
Pagkauwi namin, deretso agad ako sa kwarto ni Axel. Nandun kasi yung crib ni Xin e.
Nandun nga yung crib, wala naman dun si Xin. Ediwao!
"Pinakuha sya kanina ni mommy. 2 weeks syang magi-stay dun." Cold na sabi ni Axel pag pasok nya sa kwarto nya.
"So.. pwede muna akong--"
"Hindi. Dito ka lang." Lah? E wala naman na akong aalagaan dito e. Sinong gusto nyang alagaan ko? Sya? Wao ha?!
"Wala naman si Xin dito e. Edi uuwi muna a--"
"Sinabi nang hindi diba?! Ganyan ka ba kapag may sakit ka? Napakakulit!" Sabi nya at binalibag yung polo shirt nya sa kama.
BINABASA MO ANG
Nanay Na Ako?!?!?! [BTSPINK FF]
Fiksi PenggemarAko po si Loryn Urizawa Villareal. Isang simpleng estudyante na nag-aaral sa University of the Great Imperial. Rhyming ah? Hehe. So ayun na nga. Tahimik lang ang buhay ko pero masaya naman. Until one day, nameet ko tong lalaking ito na sumira ng kin...