NNA31: Revealing Secrets

249 12 9
                                    

"You're 2 months pregnant, miss Sy." Laking gulat naming lahat sa sinabi ng doktor.

"T-two months?" Nauutal na sabi ni Erika. Tumango naman ang doktor bilang sagot.

"You look pale and it's a sign of stress. You should rest, miss. Early pregnancy is kind of dangerous these days so you should be careful as well." Sabi ng doktor na dahilan para mapayuko si Erika.

Naging maayos naman ang check up ni Erika kahit na medyo dramatic kami kanina.

Nandito kami ngayon sa Jollibee para kumain.

"Umalis na si Clyde.. Yun ang dahilan kung bakit parang ayaw ko nang dalhin 'tong bata.." Out of nowhere, biglang sinabi yan ni Erika. Napatigil tuloy kami sa pag lamon.

"Saan siya pumunta?!" Gulat na tanong ni Madi.

"Sa Canada.. Dun na siya maninirahan. Dun din kasi nakatira mga magulang niya. Sinabi niya sakin yon noon sa Boracay. Na after ng field trip natin, aalis na siya. Hindi niya pa alam na nabuntis niya ako. Nung time kasi na may nangyari samin, nakainom siya so hindi niya alam na sa loob niya ipinutok." Nakatulalang sabi niya. Kami naman nina Janey at Madi, nagpigil ng tawa dahil sobrang straight forward ni Erika kahit broken hearted.

Pero nagseryoso din naman agad kami.

"Paano na kami ng anak ko?" Umiyak na si Erika kaya nagkumpulan kami. Baka kasi makita ng ibang customer na umiiyak siya.

"Shhhh.. Stop crying. Magiging maayos din ang lahat." Sabi ni Janey habang pinapatahan si Erika.

"Wala akong problema sa mga magulang ko. Baka nga matuwa pa sila dahil dala dala ko ang anak ni Clyde e. Kaso kasi ang hirap.. Ang sakit sakit!" Humagulgol na siya kaya wala kaming nagawa kundi ipa-take out ang mga pagkain namin.

Umuwi kami agad sa bahay para mag-usap usap.

Pumunta muna ako sandali sa kwarto dahil nakalimutan kong i-charge ang cellphone ko. Pag dating ko kasi dito kagabi hindi ko na nagamit cp ko. Lowbat pa naman. Baka nadrain na battery nito.

Pag-open ko ng phone ko ay bumungad ang messages at calls ni Axel.

Sa sobrang inis ko, inoff ko na lang ulit ang cellphone ko at hinayaan na magcharge.

Bumaba na ulit ako sa sala at naabutan kong humahagulgol na naman si Erika.

Grabe.. Kung problemado ako.. Mas problemado siya.

"Wala ka bang balak sabihin ang totoo kay Clyde?" Tanong ni Janey kay Erika.

"H-hindi.. Hindi ko a-alam.." Sagot niya sa pagitan ng pagsinghot niya.

"Ayaw ko n-na syang abalah-hin.." Nanginginig siya ngayon dahil sa sobrang iyak.

Hindi ko kayang makitang nagkakaganyan si Erika. Napakamasiyahin niya tapos ngayon makikita ko syang ganyan.

"Magpakatatag ka Erika.. Para sa baby nyo.." Naiiyak na sabi ni Madi. Nako! Napakaemosyonal pa naman nitong babaeng 'to lalo na kapag may nakikita syang umiiyak. Parehas kami.

"Pinipilit ko pero sobrang hirap.. Lalo na kung alam mong ginawa lang namin yon dahil gusto nyang makatakas sa sakit na nararamdaman niya nung nalaman nyang si Jenna ang nanay ni Xin. Na kailangan nilang maghiwalay dahil don. Ginawa niya lang akong panakip butas. Kung talagang may care siya sakin, kakausapin niya ako after ng nangyari samin. Kaso hindi e! Sobrang sakit non!" Napayakap siya kay Janey at umiyak sa dibdib nito.

"Anong balak mo ngayon?" Tanong ko.

"Si Jenna.. Kailangan nating mahanap si Jenna.." Sumisinghot na sabi niya.

"Kailangan na din nilang malaman ang totoo.." Dagdag pa ni Erika.

"Anong totoo?" Sabay sabay na tanong naming tatlo nina Janey at Madi.

"Na hindi ikaw ang nanay ni Xin." Sagot ni Erika habang nakatingin sakin.

Napaisip naman ako bigla.

Tama! Panahon na para malaman ni madam Ana ang totoo at para matapos na din 'to!

Kinuha ko ang bag ko sa sofa at tumakbo palabas ng apartment.

---

"Madam Ana.. Mawalang gala na po pero may importante po akong sasabihin sainyo.." Sabi ko habang hinihingal pa. Pumasok ako sa office niya at naabutan kong nag-uusap sila ng bestfriend niya.

"Are you that rude? Can't you see that I'm busy-"

"Hindi po ako ang tunay na ina ni Xin." Dere-deretsong sabi ko.

"What?! Are you insane? How can you say that?!" Halata sa itsura niya ang pagkagulat.

"Ngayon pa kung kailan pinaplano ko na ang wedding nyo ni Axel? Loren will design your wedding gown!" Napakunot noo ako.

"We don't need to get married coz I'm not the real mother of Xin! Kaya nyo lang naman kami gustong ipakasal para maging isang buong pamilya na kami diba? Para hindi masira ang pangalan nyo? Para hindi sabihin ng mga amigo at amiga nyo na yung anak nyo ay nakabuntis!" Napatayo si madam Ana dahi sa pagsigaw ko.

"How dare you yell at me like that?!" Sigaw niya pabalik.

"Jennalyn Bustamante.. Yan ang pangalan ng tunay na ina ni Xin. Sana kapag nakita mo siya, hindi mo siya sampalin at tawaging malandi katulad nang ginawa mo sakin." Sabi ko sabay walk out at padabog na sinara ang pinto.

Habang naglalakad ako palabas ng mansyon ay nakasalubong ko si Loren.

"Who are you?" Tanong niya sakin habang naniningkit ang mga mata.

"I already told you what my name is." Sagot ko naman.

"Urizawa is your middle name.. That's my mom's maiden name, my middle name. Who are you? Really?" Ilang beses bang kukunot 'tong noo ko dahil sa mga nangyayari?


"You know what? You're so weird. Stop acting like that. It's creeping me out." Sabi ko sabay lampas sakanya.

Hinigit niya naman agad ang braso ko.

"Are you sure we're not related?" Nakataas kilay nyang tanong.

"Ano bang gusto mong malaman?" Inis na tanong ko.

"Nothing. But I want you to know something." Nakangising sabi niya.

"My name is Loren Urizawa Grant. Brother of Lyndon Urizawa Grant.. Jennalyn Bustamante's fiancé." Halos mabaliw ako sa mga naririnig ko ngayon.

What the actual fuck is happening?

"You heard it right.. My brother is Jenna's fiancé." Nakangising sabi niya.

"And I heard you confessing your secret to tita Anastasia.. I bet she won't believe you. Why? Because you and Xin really looks the same.."

"But don't worry! I believe you." Tumingin siya sakin at ngumiti. Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti nang ganyan.

"Wanna know why I believe you?" Tanong niya at tumango naman ako.

"Because I can feel that we really are related to each other. I lost a sister when I was a kid. She is Lyndon's twin. When I saw you last night? I have this strong feeling that you're my long lost sister.." Again, napakunot na naman ang noo ko sa mga sinasabi niya.

"Ang dahilan ng pagiging hawig nyo ni Xin? Iyon ay dahil kakambal mo si Lyndon at anak niya si Xin.. Anak nila ni Jenna si Xin.." Sumikip ang dibdib ko sa mga sinabi ni Loren. Idagdag mo pa ang pagtitig niya saakin.

"What did you say?" Agad akong napalingon kay Axel na kanina pa ata sa gilid nakatayo.

-----

SHORT UD MUNA GUYS. PRESSURED ME! 😂 MALAPIT NA SIGURO MATAPOS TO PERO DI KO PA ALAM KUNG PAANO TATAPUSIN. BUT FOR NOW, ENJOY READING AND KEEP SUPPORTING NNA! LOVE Y'ALL!

Nanay Na Ako?!?!?! [BTSPINK FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon