Pagbalik ko sa canteen kung nasaan sina Janey, wala na sila don.
Sabi ko nga e. Hays. Di man lang ako hinintay.
Naglakad lakad na lang ako sa buong campus.
Natanaw ko di kalayuan si Axel kaya agad naman akong tumalikod. Pero ang malas ko lang talaga dahil pagtalikod ko, nakita ko si Carlo na papalapit na sakin. Seryoso yung itsura nya at may kakaiba sa aura nya.
Anong meron?
"Mag-usap muna tayo sandali." Seryosong sabi nya.
Umiling ako at nilampasan sya. Nakayuko lang ako habang naglalakad nang bigla akong hatakin ni Carlo para yakapin.
Yes guys.. yakap nya na ako ngayon. Mabuti na lang at wala masyadong tao dito.
Umalis na sya sa pagkakayakap sakin. Hinawakan nya yung magkabilang pisngi ko at tinitigan ako mata sa mata.
"Loryn, naiintindihan ko na. Alam ko na kung anong problema mo and I'm sorry for being a numb. Pwede naman siguro nating ayusin 'to, 'no?" Tanong nya. Bakas sa mata nya ang senseridad.
"Wala naman tayong dapat ayusin kasi unang una.. walang tayo. Pangalawa, hindi naman tayo magkaibigan." Inalis ko yung pagkakahawak nya sa pisngi ko at umatras ng kaonti. Ang lapit kasi namin sa isa't isa. Nakakailang.
"Loryn, gusto kong subukan." Sabi nya.
"Anong susubukan mo?" Nagtatakang tanong ko.
"Tayo. Tayo mismo, sa isang relasyon." Seryoso na medyo nagmamakaawang sabi nya.
Guys wait.. tama ba? Tama ba ang narinig ko ha?!?!
Kami daw mismo? Sa isang relasyon? Ibig sabihin.. gusto nyang maging kami?!?!
Teka ha.. kikiligin na ba ko?
"Carlo, ayaw ko. Si Janey na lang ayain mo." Sabi ko at tinalikuran na sya.
Hindi ko mafeel yung sinabi nya. Wala akong maramdamang kilig. Bakit kaya? Punyemay confused na naman ako!
Intrams na namin. Tinatamad akong pumasok kaya eto, hanggang ngayon nakahiga parin ako.
"Loryn! May bisita ka." Sabi ni Madi habang nakasilip sa pinto ng kwarto namin. Lumabas na ulit sya para tapusin yung niluluto nya.
Really? 8:30 ng umaga? May bisita agad ako? E wala namang nakakaalam kung saan ako nakatira bukod kay--
Sht?!?!?!
Napataklob agad ako ng kumot at pinilit matulog ulit.
Alam ko na agad kung sino yun dahil sya lang ang nakakaalam kung saan ako nakatira! Ayaw ko syang makita!!
Nakaharap ako sa kabilang side ng kama ko at nakatalikod sa pinto.
Please.. umalis ka na.. please lang..
"Loryn.. pinaakyat ko na sya. Ang tagal mo kasi e." Dinig kong sabi ni Madi. Ilang segundo pa bago nya tuluyang sinarado ang pinto.
"Loryn.." HOLY--- HOLY--- OMAYGAS!!! MADIIIIIII!!! BA'T MO SYA PINAPASOK SA KWARTO NATIIIIN?!?!?!?!
"Loryn, may sakit ka ba?" Ramdam ko yung pag-upo nya sa kama ko. Guys pigilan nyo ko! Tatadyakan ko 'to!!!
"Hindi ka ba papasok? Intrams ngayon ah?" Alam ko. Di ako bobo.
Inalis nya yung kumot na nakataklob sakin. Hihilain ko sana pabalik kaso naalala ko, nagpapanggap nga pala akong tulog.
Nakatalikod parin ako sa gawi nya. Bahala sya dyan.
BINABASA MO ANG
Nanay Na Ako?!?!?! [BTSPINK FF]
FanficAko po si Loryn Urizawa Villareal. Isang simpleng estudyante na nag-aaral sa University of the Great Imperial. Rhyming ah? Hehe. So ayun na nga. Tahimik lang ang buhay ko pero masaya naman. Until one day, nameet ko tong lalaking ito na sumira ng kin...