Kinabukasan ay nagready na ako para pumasok. Nandito na yung katulong nila Axel para bantayan ulit si Xin.
"Axel, mauna na ako ha?" Sigaw ko. Nasa banyo pa kasi sya.
"Baby Xin, papasok na si mommy ha? Wag pasaway kay ate." Sabi ko. Tinutukoy kong ate yung katulong nila Axel.
"Mauna na po ako. Pakibantayan na lang po ang anak namin." Nginitian ko sya at lumabas na.
Naglalakad na ako dito sa campus. Ba't parang ang tahimik? Intrams parin naman ah?
"Loryyyyn! Buti naman pumasok ka na! Alam mo na ba ang issue about sayo?!?!" Hingal na hingal na sabi ni Erika. Si Janey naman, pinagpapawisan.
"Ah.. yung newly wed-couple? Alam ko na yun--"
"Hindi yon! Eto oh.." Sabi ni Erika at may pinakitang screencapture sa cellphone nya.
Wtf..
[Pasensya na sa picture. Masyadong obvious. HAHAHA!]
"Hindi nila marecognize kung sino yung babae dyan, pero friend ano ba?! Kilalang kilala namin yang mukha mo! Totoo ba 'to?!" Gulat na tanong sakin ni Janey.
"Wag nga kayong maingay! Pepektusan ko kayo e!" Sabi ko at tumingin sa paligid.
"Might as well tell us the story?" Sabi sakin ni Janey.
Hinila nila ako papasok sa isang bakanteng room.
"Spill it!" Ganadong sabi ni Janey.
"Jusko naman! Ayaw ko nang magkwento e! Pero sige.. ganito kasi yon.. nung nakaraang araw, pumunta kami ng kaibigan ko sa SM. Kilala mo si Madison diba? Oo sya yon." Tumango naman si Janey. Buti walang hinanakit 'to. True champions know how to appreciate their lost. Oha? Wrong grammar ata. But anyway..
"Tapos.. nakita ko dun si Axel, kausap ang parents nya. Aalis na sana kami ni Madi nang bigla akong hatakin ni Axel at iniharap sa mga magulang nya. Tapos sinabi nya, ako daw ang nanay ng anak nya. Syempre ako, nashock. Kasi hindi ko naman alam na may anak na pala si Axel. Mas nagulat ako nung sinampal ako ng mommy nya. As in masakit! Kung pwede nga lang sya sampalin pabalik, ginawa ko na e. Pero okay lang. Nasampal ko naman si Axel e. Okay na yon. Hehehehe! Tapos ayun na nga.. ahm.." Pagputol ko sa sasabihin ko. Parehas nilang inaabangan ang susunod kong sasabihin.
"Sa condo na ni Axel ako nakatir--"
"KYAAAAAAAAAAAH!!!"
"Lah?! Seryoso? WAAAAAAAAH!!"
Pinagtutulak nila ako. Ewan ko ba kung kinikilig sila o ano e.
"Ay pero teka.. paano si Carlo? Diba may 1 week contract kayo?" Pagputol ni Erika sa kasiyahan nila.
"Oo nga?" Pag gatong naman ni Janey. Napalingon ako sakanya.
Suportado ba 'to sa tambalang CarLoryn o ano? Mukhang wala naman syang pake kay Carlo. Halata sa expression ng mukha e.
BINABASA MO ANG
Nanay Na Ako?!?!?! [BTSPINK FF]
FanfictionAko po si Loryn Urizawa Villareal. Isang simpleng estudyante na nag-aaral sa University of the Great Imperial. Rhyming ah? Hehe. So ayun na nga. Tahimik lang ang buhay ko pero masaya naman. Until one day, nameet ko tong lalaking ito na sumira ng kin...