CHAPTER 2

18K 613 125
                                    

KAELYNN's POV

Mahirap maging ina, pero masarap din naman dahil alam mong ikaw ang nag-aalaga sa mga anak mo at nasusubaybayan mo din sila sa paglaki.

Kaso lately nahihirapan akong pagsabay-sabayin ang gawaing bahay, pag-aalaga sa kanila at idagdag mo pa yung makulit nilang tatay.

Makulit sa way na akala mo bata din siya na kailangan indintihin sa lahat ng aspeto dito sa bahay. Minsan nagseselos pa siya sa mga anak niya paghindi ko siya na iintindi.

Hindi nga siguro nagbago si Danrious, isip bata pa din katulad na lang ngayon.

"Runo ba't wala tayong endearments?" nagbikit balikat ako at babangon na sana sa higaan kaso hinawakan niya ang bewang ko.

"Ba't di mo alam? Ayaw mo ba kong tawaging honey? Or mahal man lang?" Umiling ako.

"Hindi ako sanay isa pa na iilang ako," ngumuso siya at sinaklay yung binti niya sa hita ko. Jusco ano na naman ba ito?

"Tapos di mo pa ko pinagbibigyan kahit isang gabi lang, tatlong taon na kong walang sex life daig ko pa ang isang byudo." Inalis ko ang paa niya at tumayo na.

"Hindi pwede isa pa grabe ka eh, baka mamaya mabuntis ako di pa nga tayo nakakasal may pangatlo na." sabay sara ko ng pinto ng CR.

Alam ko naman may pangangailangan yung asawa ko pero kagaya ng sinabi ko lagi akong pagod at walang time para sa bagay na 'yun.

Tapos ngayon isasama ko ang kambal sa kinder garden dito sa village. Saling pusa lang silang dalawa dahil hindi pa pwede ang age nila.

Mas mabuti na 'yung nag-aaral sila at makasalamuha ng ibang bata kesa sa magkulong silang dalawa dito sa bahay, hindi naman problema sa kanila ang araw o uhaw sa dugo dahil sa hindi namin alam na dahilan at hindi pa sila na giging bampira.

Bampira na naman ako ng pinagbubuntis ko sila pero hindi talaga namin alam bakit nung pinanganak ko silang dalawa ay normal at malusog ang mga ito.

"Tagal ka pa ba d'yan sa CR? Sabay na tayo maligo." kumunot ang noo ko, manyakis talaga yang si Dandan kahit kailan.

"Tumigil ka nga mag intay ka matatapos na ko at wag ka masyadong maingay magising ang mga anak mo!" Hindi ko na siya na rinig na sumagot pero na rinig ko ang pagbukas ng pinto at ang tinig ni Aoi.

"Papa inay inay naman eh!" napatawa na lang ako at lumabas na sa pinto nang nakabihis na.

"Oh ikaw na," sabi ko sa kaniya at nagkamot lang siya ng ulo.

Ginising ko yung dalawa at pinagtoothbrush sila saka ako naghanda ng umagahan at pinakain sila.

Lumabas si Danrious sa kwarto na bihis na at handa na pumasok ng trabaho.

"Kain na," aya ko sa kaniya at umupo na siya sa harap ng hapagkainan.

"Papa patok ka na naman?" Tanong ni Akane na medyo inaantok pa at hindi ko pa na iipitan ang buhok.

"Oo eh, uuwi naman ng maaga si papa," sabi niya sa anak at pinanggigilan 'to.

Kumain ng kumain si Akane at katulad ng laging nang-yayari siya ang unang nakakaubos ng pagkain nilang dalawa.

Tinignan niya ang kakambal nyang si Aoi na nilalasap muna ang pagkain niya at inuunti unti. Ngumanga siya sa harap ninto pero hindi siya pinansin.

 Ngumanga siya sa harap ninto pero hindi siya pinansin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Vampire's Chain [VP BOOK II]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon