Dedicated to:
@RinkashitamotoCoatea
@shallynndybemine❦❦❦
KAELYNN's POV
Namadali ako maglakad at medyo hindi na ko mapakali simula ng makita ko si Kidd. Palaisipan sakin yung sinabi niya at inakto niya kanina.
Totoo bang andito siya para sa trabaho lang? Sa dinami dami ng lugar kailangan pa talaga namin magkita?
Napailing na lang ako at daredaretsyong pumasok sa bahay saka inayos ang mga pinamili ko, tumingin ako sa orasan at saktong mag 4pm na kaya time na para sunduin ang kambal.
Tinapos ko lang ang pagaayos ko at muling sinuot ang boots ko saka lumabas ng gate kaso na tanaw ko ang sasakyan ni ate Ash na paparating.
Malayo palang na tanaw ko na ang kambal sa loob ng sasakyan at panay ang kaway sakin.
"Oyy baka mahulog kayo!" sigaw ko dahil nakalabas maige ang ulo ni Aoi sa binatana ng sasakyan.
"Mimi may star ato!" Sigaw ni Akane pagkababang pagkababa ng sasakyan.
Pinakita niya sakin yung star niya sa kamay at pasimpleng pinagmalaki din sakin ni Aoi ang kaniya.
"Wow ang galing naman." bati at halik ko sa kanilang dalawa.
"Sinundo ko na sila tutal na padaan na ko sa school," sabi ni ate Ash at tinulungan namin siya buhatin ang mga gamit niya.
"Thank you ate Ash." pinanglakihan niya ko ng mata.
"Ate Asuna haha sorry." ngumiti siya at pumasok na kami sa loob ng bahay.
Binuksan niya yung heater at tumapat doon, medyo malamig talaga kaya giniginaw kaming apat.
Bumili din ng malaking kotatsu si ate Ash para saming apat. Sabay-sabay kaming umupo doon at tinago ang mga paa namin sa ilalim ng lamesa na may heater sa loob.
"Antok na 'to mama," sabi ni Aoi na lambot na lambot sa lamig.
"Ato din mimi," sabi din ni Akane saka pumikit nang tuluyan. Papakain ko muna sana sila ng maryenda kaso mukhang pagod na pagod sila kaya mamaya na lang pagtapos nila umidlip.
Si ate Ash naman busy sa katext niya at mukhang good mood naman siya. Gusto ko sana sabihin sakaniya yung tungkol kay Kidd kanina kaso baka masira ang mood niya.
Kaya tumahimik na lang din ako at dinama ang init sa ilalim ng lamesa na may makapal na tela.
"Kaelynn tulog ka na?" Tanong niya sakin at nilingat ko agad siya.
"HIndi ate bakit?" Ngumiti siya sakin at parang ready na magkwento.
"Magkakaroon ako ng new project. Omg I'm so excited." na tawa ako pero na paisip ako.
"Ate hindi ba model ka? Pano 'yun edi madali kang makikita dito kung alam nila agad ang mukha mo?" Ngumiti siya at winave ang kamay niya.
"No worries sa pagiging blogger ko iba ang name na ginagamit ko at tago ang identity ko, mga coworker ko lang ang nakakaalam kung sino ako at sa pagiging model ko naman ay puro katawan ko lang kinukuha hahaha." Na tawa ako. Sayang naman ang mukha?
"Gusto nga nila isama pati mukha ko pero ako na tumanggi. Mahirap na kasi." kaya pala ang tagal niya na din hindi na huhuli dito dahil maingat talaga si ate Ash kung magtago.
"Ay may ichichika pala ko sayo," sabi niya sakin habang nagtetext pa din.
"Nakita ko si Kidd kanina, ang guess what," sabi niya sabay ngiti sakin.
BINABASA MO ANG
Vampire's Chain [VP BOOK II]
Vampire|| VAMPIRES PET BOOK 2 || Akala mo tapos na. Akala mo ayos na. Akala mo na nakawala kana, pero ang totoo niyan kahit makawala ka wala ka pa ring takas sa kanila. Dahil sa mga kadenang magdidikit sayo sa nakaraan mo. Kadenang mag kukulong sayo. Vampi...