CHAPTER 25

11.5K 522 117
                                    

EPILOGUE

KAELYNN's POV

Ito na siguro 'yung hinihiling kong katahimikan para saming pamilya.

Okay na ang lahat at hindi ko akalain na pati ang papa nilang magkakapatid ay magagawa nilang mapagbago.

Nakakatuwa lang dahil pare-pareho sila ng ugali, 'yung una akala mo tigasin pero sa kinaloob looban nila ay sobrang lambot ng puso nila.

Siguro nga sa hirap lang din ng pagtatago nila sa sarili nila kaya hirap na din silang ipakita ang tunay na nararamdaman nila.

'Yung totoo na kahit hindi sila normal o sabihin nating hindi sila mortal ay may natatago naman silang kabutihan na minsan hindi mo pa nga mahahanap sa tunay na tao.

Thankful ako dahil na ayos na ang pamilya nila, ang pamilya namin.

Thankful ako dahil sama-sama na kami at wala ng galit o paghihiganti na magaganap sa pamilyang 'to.

Sana nga totoo na 'to eh, baka kasi magising na lang ako sa katotohanan na lahat pala 'to ay panaginip lang.

"Mimi otey ta lang?" Kinalbit niya ko at tinuro ang ribbon niya sa uniform.

"Okay lang si mama," sabi ko at hinubad na 'to saka sila binuhat papuntang kwarto nila para magbihis.

"Mimi sinundo kami wowo kanina." masigla na pagkukwento ni Akane sakin samantalang ang kambal niya ay pursigidong magpalit ng sarili niyang damit.

"Naglaro ba kayo ni lolo kanina?" tanong ko sa kaniya at tumango tango siya.

"Pati ni wowa saka ni tito dawen." ngumiti ako sa kaniya at inipitan siya.

"Eh, ang Aoi ko anong ginawa?" Tanong ko sa anak kong lalaki na busy maghubad ng medyas niya.

Lumapit lang siya sakin sabay tapat ng maliit niyang kamao at proud na proud na pinakita sakin ang star niya sa kamay.

"Wow very good naman pala si Aoi ko," sabi ko at hinalikan siya.

Naingit si Akane at ngumuso sabay pasimpleng pakita ng star niya din sa kamay.

"Ay ang galing mayroon din pala ang Akane ko." at sabay ko silang niyakap.

"Di pa ba kayo tapos d'yan? Lalamig na ang pagkain," sabi ni Dandan at niluwagan niya ang necktie niya sabay tanggal ng coat niya.

"Ano binili mo?" Tanong ko sa kaniya dahil galing siyang trabaho at sinabing mag uuwi na lang siya ng ulam kaya wag na ko magluto pa.

"Nagdrive thru na lang kami sa mcdo tas bumili chicken bucket," sabi niya at inaya ang mga anak niya palabas ng kwarto nila.

Ganito siya ngayon samin, maaga siyang na uwi para sumalo samin sa hapagkain at sinusundo niya ang mga bata galing kala papa.

Naglalaan siya ng oras at bumabawi sa mga panahon na hindi niya kami na kasama.

Buti nga hindi na nagtatampo ang mga anak niya lalo na si Aoi dahil galit ito sa papa niya noon dahil daw iniwan kami.

Pero ngayon okay na sila dahil pinagsisisihan naman ng papa nila ang padalos dalos na disisyon nito noon.

Napangite ako habang pinapanood ko ang pagkain nilang tatlo sa maliit na mesa na meron kami sa simpleng tahanan namin.

"Ano pa tinatayo mo d'yan wag mong intayin na ikaw ang kainin ko Runo." nanlaki ang mata ko at 'yung dalawang bata naman ay nagtaka.

"Batit mo tatainin ti mama eh tao tya," sabi ni Aoi na nakataas pa ang kilay habang kinakamay 'yung manok.

"Hihi dutom na dutom ti papa dutto na tainin pati ti mimi." cute na sabi ni Akane at puro amol na sa mukha dahil sa mabilis nitong pagkain.

Vampire's Chain [VP BOOK II]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon