CHAPTER 10

10K 438 81
                                    

KAELYNN's POV

Ilang months na kami mag iina dito sa japan, na kalimutan ko kung saan part 'to eh. Hokaido ba? Nakalimutan ko talaga at saka hindi rin mahalaga dahil hindi naman ako lumalabas ng bahay.

Na iiwan ako sa bahay para magbantay at maglinis dito, parang back 'to zero maid ulit ako pero ayos lang 'to dahil libre na naman lahat dito at isa pa tulong ko na lang 'to kay ate Ash.

Hindi kasi kami pwede padalhan ni Danrious if ever na maubos na namin ang laman ng card na iniwan niya samin dahil baka matrace kami ng papa niya. Kaya ito tiis muna kami sa unting tulong ni ate Ash.

Isa siyang model at the same time fashion blogger dito sa japan, kumikita siya ng malaki sa pagcocover ng magazine at iba pa. Actually mukha naman kasi talaga siyang wala sa 30 plus years old kaya dayang daya namin ang age niya.

Ganun din sakin, nakalagaya sa mga papeles na iniwan sakin ni Danrious ay 19 years old lang ako at kapatid ko ang mga anak ko. Maaga kong pinaliwanag sa kambal na kunwari ay magkakapatid lang kami sa harap ng iba at hindi nila ako mama para kung sakali may maghanap samin ay mahihirapan sila.

Tuwing umaga ihahatid ko ang kambal sa isang school malapit dito sa bahay namin at susunduin din sila pagdating ng hapon kaya na iiwan talaga ako mag isa sa bahay.

Sa loob ng ilang buwan dito may alam na din akong mga words pero unti lang hindi katulad ng kambal na medyo nakakasabay na sa mga classmate nila.

Mabilis sila matuto at pasalamat naman dahil madami na agad silang kaibigan dito. Pero iniisip ko lang pano kung magustuhan na nila dito? Pano kung time na para umuwi kami?

Teka kailan nga ba ang time na 'yun? Gustong gusto ko na din umuwi sa totoo lang, wala kaming koneksyon ni Danrious at tangi panonood ko lang sa news sa internet ko siya nakikita,

Balik trabaho siya sa TV at ako patuloy lang humahanga sa galing niya sa pagbabalita, kung iisipin screen lang ang pagitan namin pero sa totoo milya milya ang susukatin bago kami mag kitang dalawa.

Miss na miss ko na siya, at lagi kong iniisip kung okay lang ba siya doon? Kumakain ba siya ng maayos? O nakakatulog at pahinga ba siya ng tama?

Base naman sa nakikita ko sa TV mukhang healthy naman si Danrious pero iniisip ko kung ayos lang ba talaga siya mag isa doon?

Muli akong na iyak at pinunasan din agad ang luha ko, iniling ko ang ulo ko at tinapik tapik ang mukha ko. Hindi ako pwede manghina ngayon kailangan kong labanan 'to para sa mga anak ko, at para din makasama na ulit namin siya.

Ipinokus ko ang isip ko sa ibang bagay, nagtatahi ako ng mga sweater at gloves para tuwing winter dito sa japan ay may magamit kami.

Nag-eenjoy naman ako lalo na pagtapos na siya at suot-suot na ng kambal ko, palipas ng palipas ang mga araw at feeling ko palaki sila ng palaki.

Malapit na sila magfour years old at sa araw na 'yun wala ang papa nila sa tabi nila.

"Ahhh!" Napasigaw ako sa inis, hindi ko talaga kayang mawala sa isip ko kahit isang segundo lang si Danrious.

Ang hirap! Ang hirap dahil siguro sobrang laki na nga part niya sa buhay ko at hindi ako sanay na wala siya dito kasama ko.

Gusto ko lang talaga matapos na 'to at makauwi na kami sa pinas. Nag buntong hininga ako at tumayo saka pumunta ng kusina.

Uminum ako ng tubig at medyo na pansin ko ang ref namin na paubos na ang laman, alam ko kakagrocery ko lang nung na nakaraang linggo ah.

Matakaw kasi si Akane kaya siguro ubos agad ang mga stuck namin dito sa bahay. Kung maggrocery kaya ako? Sa pagkakaalam ko may malapit lang na konbini dito sa bahay eh. Siguro naman hindi ako kakainin ng mga japanese paglumabas ako doon hahaha.

Vampire's Chain [VP BOOK II]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon