Dedicated to: ThePurpleCat19
RUNO's POV
"Runo saglit lang ako babalik din ako."
Mga huling salitang iniwan niya sakin at sa mga anak niya.
Mga salitang hindi na natupad at na pako na lang.
"Ma, ketan dadati ti papa?" Hinila ni Aoi ang blouse ko at nabalik ang ulirat ko saka ngumiti sa kaniya.
"Ah, baka matagalan pa busy kasi si papa," sabi ko sakaniya para hindi niya na gaano isipin pa ang papa niya katulad ng ginagawa ko ngayon.
"Batit tabi ni papa ilan days lan daw tya eh," ngumuso si Akane at sumimangot.
"Babalik din 'yun, mag laro muna kayo tapos pagkatulog niyo bukas andito na 'yun," ngumiti ako sa kanila sa abot ng makakaya ko at na pasunod naman sila.
"Okay." Sabay nilang sabi at masayang tumakbo sa kusina.
Patuloy lang akong ngumiti at dahil doon patuloy din akong nasasaktan.
Nung tuluyan silang umalis tuluyan na din bumagsak ang tuhod ko at napaupo saka daredaretsyo lumabas ang luha ko sa mata. Pinigilan ko 'to at inipit ang boses na gustong kumawala sa lalamunan ko. Sobrang sakit! Bakit hindi pa siya bumabalik hanggang ngayon?
Ni hindi niya ipinaliwanag sakin ang mga nang-yayari at nangako pa siyang babalik pero hanggang ngayon wala pa siya.
Nagsimula ang kakaibang kilos niya nung dumating dito si Kidd. May pinag-usapan sila at tapos noon ay subsob na ulit siya sa pagtatrabaho. Parang dumoble pa ang oras na nilalaan niya doon kesa sa dati. Wala na siyang oras samin, saming pamilya niya pero inintindi ko 'yun dahil alam ko para din samin ang ginagawa niya.
Pero dumadalas ang pag-alis niya sa bahay. Hindi ko na din siya nakikita na nagrereport sa TV at pagtatanungin ko naman siya kung anong nang-yayari o ayos lang ba siya sa trabaho niya hindi niya ko pinapakinggan o lagi niya lang sasabihin na ayos lang siya.
Ang dami niyang nililihim sakin nitong mga nakaraang araw, pagpapasok ako sa kwarto mabilis niyang isasara ang laptop niya o kaya ibababa ang cellphone niya pag may kausap siya.
Nag iiba din ang mood niya na parang laging galit at aburido sa kahit anong bagay, ni hindi niya na nga maalagaan ang kambal at lagi pang mainit ang ulo niya.
Wala na siyang oras sakin at sa anak niya, lagi siyang umaalis ng bahay at babalik pag tapos ng ilang linggo pero ngayon isang buwan na at mahigit hindi pa din siya bumabalik samin.
Kinuha niya ang mga importanteng bagay sa kaniya dito sa bahay at hindi na bumalik.
Nakakatanggap na lang ako ng pera sa ATM account namin ng mga anak niya at minsan itetext niya ko na hindi pa daw siya makakabalik.
Pero ngayon kahit tawagan ko siya hindi niya na sinasagot, 'yung mga pera padagdag lang ng padagdag sa bank namin pero isang message niya wala akong nakukuha.
Unti-unti na kong na wawalan ng pag-asang babalik siya, pero tinatatagan ko pa ang loob ko. Ako mismo ang maghahanap sakaniya at ako mismo ang aalam kung anong ginagawa niya.
Pinunasan ko ang mga luha ko at tumayo saka kinuha ang phone ko.
"Mama are you otey?" Tumango ako kay Aoi na mukhang alalang alala sakin.
"Yes dear, masakit lang mata ni mama kaya tatawagn ko si lola Rose para bantayan kayo ah. Pupunta lang ako sa doctor then babalik din agad si mama." tumango siya at lumapit si Akane.
"Aatis na din ba taw mimi?" Umiling ako.
"No! Babalik ako at pagbalik ni mimi baka kasama niya na si papa. Hahaha, kaya wag kaya makulit dito kay lola Rose ah," tumango silang dalawa.
BINABASA MO ANG
Vampire's Chain [VP BOOK II]
Vampire|| VAMPIRES PET BOOK 2 || Akala mo tapos na. Akala mo ayos na. Akala mo na nakawala kana, pero ang totoo niyan kahit makawala ka wala ka pa ring takas sa kanila. Dahil sa mga kadenang magdidikit sayo sa nakaraan mo. Kadenang mag kukulong sayo. Vampi...