KAELYNN's POV
Nagising ako wala na siya sa tabi ko, dinama ko ang unan kung saan siya na kapwesto. Wala na siya dito at daredaretsyo nang tumulo ang luha ko mula sa mga mata ko.
Sabi ko na nga ba, pagtapos ng nilaan niyang oras samin mag iina iiwan niya na kami, ilang minuto pa kong umiyak sa kwarto na dapat ay para saming dalawa pero wala na siya hindi na maibabalik ng mga luha ko ngayon si Danrious.
Na pukaw ng paningin ko ang isang envelope na nakalagay sa ibabaw ng side table namin, pagbukas ko dito ay may laman na card at passport namin mag iina. Talagang ito na, aalis na kami sa bansa at iiwan siya, talaga bang kaya niya angkinin ang problema ng siya lang mag-isa?
Hindi ba pwedeng kayanin namin 'to ng sama sama? Pero kung aabot sa ganito tingin ko nga tama ang desisyon naming dalawa. Magtatago kami ng mga anak niya hanggang siya ang gumagawa ng paraan para maayos ang problema na dala ng sarili niyang ama.
Napatingin ako sa passport at binuklat 'to, medyo kumunot ang noo ko dahil iba ang pangalan na nakasulat dito.
"Runo Elric,." Elric? Ito ang apelyido ng tunay na tatay ko ah. Binago niya pati pangalan namin para hindi kami mabilis mahanap ni Sir Danilo.
Sumikip ang dibdib ko, pero nilabanan ko ito at tumayo na. Paglabas ko ng kwarto ay umaasa pa din ako na sana nasa kusina lang siya o na liligo sa CR pero wala na talaga. Miski anino niya wala na sa bahay na 'to.
"Mama?" Napalingon ako at na kita ang anak kong kakabangon lang sa kama at kinukusot pa ang mata niya.
Agad kong pinunasan ang mga luha ko para hindi siya mag alala at salamat naman at hindi niya na halata ito dulot ng sobra niyang antok.
"Wiwi ato." tumango ako at binuhat siya, puno na kasi ang diaper niya kaya dumaretsyo na kami sa banyo.
Nakakapit siya sa braso ko habang pupungas pungas, mga kamay na sobrang liit at kailangan pa ng agapay mula samin, pero simula ngayon gagawin na namin magkahiwalay ni Danrious ang lahat ng makakaya namin para protektahan ang mga ito.
Kakayanin namin 'to kahit magkahiwalay pa kami, iyon ang paniniwalaan ko.
Maaga kaming nag ayos mag iina, pumunta din si Darenn at mama sa bahay para tulungan kami mag ayos ng mga gamit na kailangan namin, hindi alam ng lahat ang pag alis namin pwera lang sa kanilang dalawa.
Pinagmasdan ako ni Darenn na medyo malungkot at parang nagtatampo pa. Niyakap ko siya at pinisil ang pisngi niya na hindi na sing lambot ng dati dahil nagbibinata na ang isang 'to.
"Babalik si ate ano bang gusto mong pasalubong?" Umiling siya at niyakap lang din ako.
"Kahit wala basta mag ingat lang kayo doon ng mga pamangkin ko," sabi niya bahang na kanguso. Cute pa din ang bebe Darenn ko hahaha, paglumaki si Aoi sure ako kamukha niya ang tito niya.
Pagtapos namin mag ayos ay pinakain at binihisan ko na ang kambal saka binuhat isa-isa ang mga gamit na dadalhin namin sa sasakyan.
Niyakap ulit ako ni Darenn at ganoon din si mama.
"Mag ingat kayo doon, wag na wag kayo magpapabayaah." tumango ako at lumapit ang kambal sa lola at tito nila.
BINABASA MO ANG
Vampire's Chain [VP BOOK II]
Vampire|| VAMPIRES PET BOOK 2 || Akala mo tapos na. Akala mo ayos na. Akala mo na nakawala kana, pero ang totoo niyan kahit makawala ka wala ka pa ring takas sa kanila. Dahil sa mga kadenang magdidikit sayo sa nakaraan mo. Kadenang mag kukulong sayo. Vampi...