Dedicated to:@YK_HY511
AIRA's POV
"Okay page 107 na ko." inipit ko ang book mark at tumayo saka nag unat.
Pang ilang libro ko na ba 'to na binabasa sa library namin dito sa mansion? Medyo naloloka na ko pero ayos lang madami naman akong nalalaman.
Lalo na sa origin ng vampires, karamihan kasi ng libro dito ay tungkol sa mga bampira at werewolfs.
Ewan ko kung bakit pero ang dami talagang libro na tungkol sa werewolf dito, hindi naman ako nagtataka kung madaming tungkol sa bampira eh pero sa werewolfs? Nahhh.
Umupo ako at nagbasa ulit, bubuksan ko nasa ang libro ng biglang may naglapag ng tray sa harap ko sabay upo.
"Anything interesting sa mga binabasa mo?" Tanong niya sakin sabay smile kaya medyo na mula ako.
"Yep madami paps," sabi ko at tumungo na pero pasimple siyang sinusulyapan.
Inayos niya lang 'yung pagkain sa lamesa at nagcross arm. Nakapambahay lang siya ngayon at medyo messy ang buhok niya.
Bagong gising ba ang isang 'to?
Iniwas ko na ang tingin ko sa kaniya at nagconcentrate sa binabasa ko kaso hindi pa siya na alis sa harap ko kaya medyo hindi ako makapagfocus sa libro kundi sa sa kaniya ako nakafocus ngayon.
Pasimple akong tumingin sa kaniya at na gulat ako ng magtama ang tingin naming dalawa.
Nakatingin siya sakin ng seryoso at parang ayaw bumitiw ng tingin sakin kaya ako na ang unang umiwas.
Tsk, na talo ako sa titigan ah!
"May problema ba paps mukhang seryoso ka?" Tanong ko na medyo kabado pero hindi pa din niya inaalis ang tingin niya sakin. Ano ba naman 'to si Kidd matutunaw ako nito sa ginagawa niya eh.
"Ah wala naman." parang malamya niyang sagot sakin kaya tinignan ko ulit siya at this time nakangiti na siya sakin.
Pero naka salumbaba pa din siya at pinagmamasdan lang ang ginagawa ko.
"Ano ba problema mo paps?" sabi ko sa kaniya at ngumisi lang siya.
"Dalaga kana pala?" Tanong niya sakin nakinagulantang ko, ngayon mo lang ba na pansin ang kagandahan ko? Ngayon pa lang ba 'to umuusbong sa paningin mo?
"Oo naman syempre 17 na ko at pagtungtong ko ng 18 legal na tayong ikakasal." pinamukha ko sa kaniya 'yun at siya nakatingin lang akin kaya bumalik sakin 'yung hiya.
"Hahaha, pagdating ba ng araw na 'yun ibibigay mo na sakin 'yang dugo mo? Or pwede din 'yang katawan mo?" Nanlaki ang mata ko at tinignan siya sabay tawa niya ng malakas.
"HAHAHA hindi ko lubos maisip na 'yung batang pinapaliguan ko na tulo ang uhog noon ay dalaga na ngayon," sabi niya at tumayo na.
Napanganga ako at sinundan ang pagewang gewang niyang paglalakad.
Sa dinami dami ba naman ng maiisip niya 'yung time pa na pinapaliguan niya ko? Ayt, kakainis naman talaga oh!
"Tsk, hukluban." bulong ko at lumingon siya sakin sabay tingin ng masama.
"Anong tawag mo sakin paki ulit mo nga?" Mukha siyang na badtrip at saka ko lang na alala na pinaka ayaw niya nga pala ay tinatawag na matanda.
Tumataas ang kilay niya habang papalapit siya sakin at parang na malikmata ako.
"Teka paps na mumutla ka ba?" tanong ko sa kaniya para na din maiba ang topic naming dalawa.
"Ha? May pinagbago ba? Excuse me bampira ako," sabi niya at tumalikod na sakin, oo nga alam kong maputla siya pero bakit parang mas pumutla?
BINABASA MO ANG
Vampire's Chain [VP BOOK II]
Vampire|| VAMPIRES PET BOOK 2 || Akala mo tapos na. Akala mo ayos na. Akala mo na nakawala kana, pero ang totoo niyan kahit makawala ka wala ka pa ring takas sa kanila. Dahil sa mga kadenang magdidikit sayo sa nakaraan mo. Kadenang mag kukulong sayo. Vampi...