DANIEL's POV
Pagtapos ng insedenteng 'yun sinimulan ko na ang paglayo ko sa kaniya.
Halos ilang linggo ako magkulong sa kwarto, hindi ko makausap ng matino si kuya ganun na din si Rious ay hindi ko mahagilap.
Pinutol lahat ng koneksyon ni papa kay Rious, Lahat ng mga credit cards niya ay diniactivate ni papa at lahat ng phone connection samin ay blinock niya.
Hindi ako makalabas o makapagbigay tulong man lang sa kakambal ko, pinapahirapan sila ngayon dahil pinili niya na mamuhay ng mahirap kesa sa yaman ni papa.
Ako naman halos manlumo ng makita ko ang na wawala kong ina, akala ko iniwan niya lang kami at sumama sa kung sino pero ito pala siya, all this time na sa atik lang at nakakulong sa maliit na baul.
Pinagkasya siya doon kasama ng mga ulo ng iba't-ibang lalaki niya, halos mabaliw ako ng malaman ko ito pero dinamayan ako ni kuya kasabay ng pagluluksa niya din sa kaniyang ina.
Sabay namin inilibing ang mga labi nila, kinausap ako ni kuya na kung magpapatalo kami kay papa ay katapusan na namin kaya ito ako ngayon pilit na nagpapakatatag.
Simula din ngayon hindi ko na siyang pwede kausapin, alam kong dinalaw niya ko kahapon dahil sa sinabi ng guard 'yun sa gate.
Mabuti na lang at hindi kay papa sinabi ang balita kundi sakin mismo, nakita ko pa siya sa CCTV na nagsisigaw at binad finger pa ako.
Sobra na siguro ang galit niya sakin, pero mas okay na 'yun kesa sa maging magaan pa ang loob namin sa isat-isa at iyon pa ang magdulot ng kapahamakan niya.
Lumabas ako sa campus at dumaretsyo sa parking lot ng school, na gulat ako at luminga linga dahil na aamoy ko ang dugo niya.
Hindi pa man ako nakakalapit sa sasakyan ko ay dinamba niya na ko "Senpai!" sabi niya at napaurong ako.
"Bakit hindi mo sinsagot ang tawag ko? At bakit ayaw mo ko kausapin? Kamusta ka na ba? okay ka lang ba? Sorry talaga wala akong na gawa nung araw na 'yun." hindi ko alam ang gagawin na bigla ako sa kaniya at saka bakit siya sobrang nag-aalala sakin! Gad damn it! Sayang ang pagkakataon na ito gusto ko siyang yakapin.
Lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng lumapit siya at hinawakan ang kamay ko.
"Thank you sa lahat ng ginawa mo," sabi niya na halos matunaw ang puso ko pero hindi pwede ito kaya dali kong iniwas ang tingin ko.
"Umalis kana," sabi ko pero hinawakan niyang maige ang kamay ko.
"Bakit senpai? Sorry kung wala akong na itulong at pabigat ako sayo, gusto ko lang makabawi sayo saka kung iisipin mong na tatakot ako sayo o sa inyo wala na kong pake makabawi lang ako sa ginawa mo." gustuhin ko man Gabs pero bawal, kaya tumingin ako ng seryoso sa kaniya.
"Tigilan mo nga 'yang pagtawag mo sakin senpai." tinitigan ko siyang maige at nilapit ang mukha ko sa kaniya, tatakutin kita hanggat sa hindi mo na kaya pang lumapit sakin.
"Ang weird mo!" tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
"Isa pa wala ka namang mabibigay nakapalit, depende na lang kung ibibigay mo ang katawan mo sakin." pilit kong ginagalingan ang pag arte sa harap niya, mas mabuti na ito kesa sa mapahamak siya.
Nakita ko ang ekpresyon sa mukha niya, malungkot ito at gulong gulo sa mga pinagsasabi ko.
Kailangan ko pa dagdagan ito para tuluyan na siyang lumayo sakin, at tuluyan niya na ding makamit 'yung normal na buhay na wala kami.
"Ano? Magagawa mo ba? Pwede din naman ibigay mo 'yung puso mo sakin kapalit ng muntikan ko ng pagkamatay?" lumapit ako sa kaniya at napaurong siya.
"Pwede din 'yun, tutal hindi mo naman matutumbasan 'yung paghihirap at takot ko nun hindi ba? Gusto mong maramdaman 'yung na ramdaman ko nung mga oras na 'yun?" Lumapit ako ng lumapit hanggang sa na corner ko na siya sa sasakyan ko.
BINABASA MO ANG
Vampire's Chain [VP BOOK II]
Vampire|| VAMPIRES PET BOOK 2 || Akala mo tapos na. Akala mo ayos na. Akala mo na nakawala kana, pero ang totoo niyan kahit makawala ka wala ka pa ring takas sa kanila. Dahil sa mga kadenang magdidikit sayo sa nakaraan mo. Kadenang mag kukulong sayo. Vampi...