Arrow One.

102K 1.3K 87
                                    

ARROW ONE


"Bebs! I think I'm in love!" Sabi ko pero batok at irap lang ang natanggap ko mula kay Trick. Ang bespren kong patay gutom. Hinde, joke lang. Matakaw pala. Tignan mo 'to, busy pa rin sa kanyang pagkain hindi naman tumataba. Habang ako, kilig na kilig dito.

"Pang-ilang beses mo nang sinabi 'yan. Bukas makalawa, may bago ka na namang crush," sabi ni Trick. Kahit kailan, panira 'to sa araw at gabi eh.

"Dapat talaga babae na lang best friend ko eh. Panira ka. Di ka na lang maging masaya for me! Hmp." Syempre idadaan ko sa konting drama.

"Alam mo, ang oa mo. Deh magbest friend ka ng babae, iwan mo ko. Kainis. Di ka na lang makuntento, buti nga pinagtiya-tyagaan pa kita." Oh, eh di nireverse psychology lang ako ng damuhong 'to.

Hindi ko na lang siya pinansin at diretso na ko sa classroom namin. At syempre, chikahan galore kasama ng mga kaibigan kong babae. Meron naman talaga kong kaibigang babae, sadyang si Trick lang talaga ang best friend ko. Sabi niya yun eh. Deh, oo na lang ako.

Pagdating ng uwian, hindi pa rin kami nagpapansinan ng damuho kong best friend. Ganun talaga, sanayan lang yan sa buhay. Tanggapin ko ng damuho talaga siya at makauwi na nga lang.

"Hoy sa'n ka pupunta?" O kitams, biglang magpapakita. Daig pa ang kabute.

"Malamang uuwi." Sagot ko. Dire-diretso pa rin ako sa paglalakad papuntang sakayan ng jeep pauwi sa amin. Kunware tampo-epek pa rin ako.  Pero ang bruho, ni hindi man lang ako hinabol. Akala ko pa naman.

"Sige, magtampo ka pa. Wag ko kayang bayaran pamasahe mo?" Akala mo naman sino 'to. Hindi naman ako nagpapalibre eh. Kaya mo yan Ellie, wag mo siyang pansinin.

"Bebs, kapag hindi mo pa ko pinansin dito. Sasabihin ko sa katapat ko na crush mo siya." Automatic naman na napaharap ako kay Trick sabay pout. Yung pout na naiinis. Tapos biglang napatingin nga ako sa tapat niya. Nagulat ako sa aking nakita.

Nakakaiyak. Yung bago kong crush, may kaholding hands. Ang masama dito, mas maganda pa ko sa ka-holdinghands niya. Totoo! Napahawak tuloy ako sa kamay ng damuho kong best friend.

"Alam mo bebs, mamili ka kasi na magiging crush. Tignan mo nga, walang taste. Buti pa ko oh." Sabi ni Trick sabay hinigpitan ang pagkakahawak ng kamay namin.

Oo nga, buti pa si bebs may taste. Hay, sayang si crush.


Broken Arrow #KathNielReadsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon