Idededicate ko 'tong update kay Ate Veejay na mula CC hanggang dito, walang sawang suporta. Nuuuxxx. Makapagsalita kala mo artista, eh noh. Ayan na te, lalagayan ko na ng "insert line here" HAHA. Salamat pala sa mga nag-add nito sa reading list nila. Nakakakilig kayo. Pati sa mga nagfan! Sobra, salamat!
Comment lang ng comment. Pati kausapin niyo rin ako, haha. Di naman ako nangangagat. Sa mga nagfollow sa akin sa twitter, (http://twitter.com/erinxdizon) itweet niyo ko dun para mafollow back ko kayo. Hehehe, thanks ulit! =))
_________________________________
ARROW TWELVE
Hanggang sa mag-uwian, hindi ako pinapansin ni Trick. Inexplain naman sa akin nila Kaye kung bakit daw siya nagseselos. Eh actually, ang totoo, ngayon lang nagselos ng ganyan si Trick. Kasi dati rati naman, kapag may lalaki akong kausap, wala siyang pakealam.
"Trick naman eh. Hindi mo pa rin ba ko papansinin? Grabe naman oh. Para namang hindi mo alam na ganun lang talaga si Mike."Sabi ko kay Trick habang tinatry na sabayan siya sa paglalakad.
"Sige na naman, pansinin mo na ko. 'To naman oh." Hindi ka naman kasi ganyan nun, hindi ako sanay. Huy Trick. Niyuyugyog ko na siya't lahat, wala pa rin siyang sinasabi. Onti na lang. Onti na lang talaga, nauubos na pasensya ko.
"Isa Trick, kapag hindi mo pa ko pinansin, uuwi ako mag-isa." At dahil hindi pa rin niya ko pinansin, iniwan ko na siya don. Medyo naluluha na ko dahil wala man lang siyang ginawa para pigilan ako tapos hindi pa ko pinapansin.
Dahil badtrip na rin ako, nagstay muna ako sa mall na nadadaanan pag pauwi sa bahay. Nag-mcdo mag-isa habang nag-iisip isip.
Kung ganitong nasa ligawan stage pa lang kami, grabe na siya magselos o magalit. Pano pa kaya kapag naging kami na talaga. Nung normal pa, as in yung magbestfriend na hindi pa siya umaamin, kapag nagkakatampuhan kami, konting suyo lang okay na kami ulit. Eh ngayon, pahirapan. Kakainis.
Hanggang sa makarating ako sa bahay namin, naiinis pa rin ako. Kaya ang ginawa ko, nag-internet na lang ako at saka ko inayos yung mga kailangan kong gawin para sa fair. Mas okay nang may pagkaabalahan ako kesa naman isipin ko pa si Trick na parang wala naman yatang pakialam.
"Nak, di ka yata hinatid ng bebs mo?" Isa pa 'tong si dad. Papaalala pa, hindi ko na nga muna iniisip.
"Wala lang dad, may dinaanan pa kasi ako bago umuwi." Sagot ko na halatang walang gana makipagusap.
"LQ kayo noh?" Bumabagets na naman tong tatay ko. May nalalaman pang LQ. Hinayaan ko na lang siyang mang-asar. Hanggang sa patulog na ko, naiinis pa rin ako. First time ko yatang maapektuhan sa tampuhan namin ni Trick. Parang dati kasi, daanin ko lang sa pagpapacute, bibigay na siya.
Bago naman ako tuluyang makatulog, niremind ako ni dad na next week na daw ang alis nila ni mommy. Deh dumagdag na naman ang lungkot. Badtrip talagang luha, ayaw tumigil sa pagpatak.
"Bebe, di ako papasok bukas. Pakisabi kay ma'am, may family event kami noh? Salamat." Text ko kay Kaye since madaldal naman siya at announcer yan ng klase.
"Nakauwi ka na ba, bebs?" Text ni Trick. Akala ko si Kaye na ang nagtext. Hay nako Trick, ang gulo mo.
BINABASA MO ANG
Broken Arrow #KathNielReads
FanficKailan ba tatama si Kupido? Kapag lahat ng crush ko, taken na? Kapag lahat ng gusto ko, committed na? Kapag lahat ng mahal ko, masaya na? At ako na lang ang hindi? Aba, sino na lang ang matitira sa akin.