Arrow Seventeen.

42.4K 805 92
                                    

SINONG GUSTONG MAG-ABAY SA KASAL?! HAHAHA. 

I-comment niyo lang kung bakit kayo dapat maging abay at ang inyong pangalan. And why you love KathNiel! Auto-abay na kayo sa kasal ni Ellie at Trick. =))

Here's again a short update! 3 more chapters, at tapos na 'to. =)

Thank you mga bebe! Loveyouuuuu. :* Follow niyo ko sa twitter, http://twitter.com/#!/imerikapauline and tumblr, http://imerikapauline.tumblr.com 

Who wants season twoooo? Pag umabot kayong more than 28 na gusto, gagawa ako. Sabihin niyo lang sa akin thru tumblr or twitter. ;)

____________________________________________________________________________

Kailan mo nga ba masasabing tamang panahon na para magmahal? Ako kasi, hindi pa rin naman ako sigurado sa nararamdaman ko. Kung nagagwapuhan lang ba ko kay Trick kaya kinikilig ako o mahal ko na siya kaya napapasaya niya ko?

"Tagal mo, bebs. Nakabili na ko’t lahat, naglalakad ka pa lang dyan." Sabi ni Trick habang may hawak na dalawang stick ng banana que sa kamay at binigay niya yung isa sa akin. Hindi pa ba ‘to busog? Kanina pa kami kumakain eh.

"Bebs, ano ba kasi yung sinusulat mo kanina?"Curious kong tanog kay Trick habang naglalakad na kami pauwi sa bahay.

"Wala nga. Kulit naman nito. Malalaman mo rin." Nambibitin pa talaga ’tong si Trick eh.

"Eh kelan pa?! Bakit hindi pa ngayon?" Pangungulit ko na may kasamang pagpapacute hanggang sa makarating na kami sa bahay.

"Oh eto na nga. Panira ka ng diskarte eh, dapat sa fair ko pa ‘to sasabihin. Atat masyado." Reklamo ni Trick pagkaabot niya sa akin nung papel na pinagsulatan niya.

"Ellie.." Pangalan ko pa lang nasasabi ko ng sinabihan niya akong basahin ko lang daw ng tahimik. Dahil masunurin akong bata, binasa ko nga lang ng tahimik.

"Alam mo namang man of few words ako. Pero sana kahit hindi ko nasasabi, naipaparamdam ko naman. Ilang years bago ako nagkalakas ng loob na sabihin sayong mahal kita. Ngayon pa lang yata. Hindi naman ako nagmamadali eh. Okay naman ako na ganito muna. Pero sana, alam mong sa bawat pumapalpak na pana ni kupido, kahit di pa niya napapana ang puso ko, ibibigay ko na ’to sa’yo. Shet ang gay. Haha! Bespren mo pa rin ako, bebs. At kapag naging tayo na, hindi lang best friend ang meron ka, boyfriend at future husband na rin. =))"

Pagkatapos kong basahin ang sulat, napansin kong close na close na si Trick kay nanay na lola ko. Ang saya-saya nilang nagkukwentuhan eh. Si Trick kasi yung tipong minsan seryoso minsan siraulo. Minsan tahimik madalas maloko rin lalo na pag kaclose na niya.

Napansin niya yata na nakatingin ako sa kanya kaya napatingin din siya sa akin sabay ngiti. Nagthumbs up pa siya. Napaisip tuloy ako. Ang swerte ko lang talaga na may lalaki pang katulad ni Trick ngayon.

"Para sa’n yung letter, bebs?" Tanong ko kay Trick habang nakatayo na siya sa gate at paalis na rin dapat.

"Tsk. Sa kasal natin sa fair ko pa nga kasi dapat sasabihin yun, kaya lang ang kulit mo eh. Wag ka kasing pacute, alam mo namang madali akong bumigay pagdating sa’yo eh." Sabi ni Trick na hindi mo alam kung nambobola o may halong sarcasm ang sinabi niya.

"Siraulo ka talaga, bebs. Uwi ka na nga. Ingat ka ah? Papakasalan pa kita eh." Sabi ko sabay takbo agad papasok ng bahay. Kala naman non siya lang ang lumilinya dito. Aba ako rin noh.

Broken Arrow #KathNielReadsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon