Readers/Friends..
Pasensya na kung ang ikli ng mga updates. Nililimit ko lang kasi talaga sa isang page. Kasi ako, kapag humahaba ung isang chapter, dumadami ung involved. Eh nawawala sa focus kaya as much as possible, si Ellie at Trick lang talaga ang bida. Ayon, sana magcomment din kayo. It's good to hear words from you too. Lalo na sa mga KathNiel fans dyan. Damayan tayo sa kakiligan. =))
__________________________________________________________________________
ARROW EIGHT
Pagkagising ko naman sa umaga, as usual, bago pa ko mag-ayos at lahat, cellphone ko muna ang tinignan ko. Baka may reply si Trick. Late ko na rin kasing sinend yung message kagabi eh.
"Bawal. Hanggang tingin ka lang, bawal maging crush." Reply ni Trick. Possessive? Wala pa nga, possessive na. Hindi ko naman alam kung matutuwa ako o ano eh. Hindi ko pa rin gets. Ibig bang sabihin nito, manliligaw na nga talaga siya? Ay ewan, makaligo na nga lang.
Pagdating ko naman sa school, dating gawi lang. Makikipagchikahan kahit nagkaklase. Nakikipagkwentuhan. Nakikikain sa mga may chichirya.
"Bebs!" Nakiki-update ako sa nangyari sa TVD kagabi dahil hindi ko napanuod nang biglang sumigaw naman 'tong si Trick na nasa kabilang side ng room.
"Ano?!" Sigaw ko rin. Sanay naman mga classmates namin sa amin eh.
"Wala. I love you, sabi ko!" Natawa na lang ako sa sinabi niya. Sabi ko nga, sanay naman sila sa amin. Pero nung sinabi niya 'yun, medyo nag-dokidoki si Miss Heart. Ewan, hindi pa naman siya totally nagtatapat ng feelings niya. Sabi niya lang, kapag niligawan niya ako.
Nasaan ang assurance dun diba? Mahirap nang mag-expect at mag-assume. Pero parte 'yun ng buhay kaya eto ako, naghihintay na seryosohin niya 'yung mga sinabi niya.
Pagkauwian, hindi naman kami agad dumeretso sa bahay namin. Dinala muna ako nitong si Trick sa may bahay nila. Sabi niya, nagluto daw kasi si tita ng favourite kong carbonara. Syempre, sino ba naman ako para tumanggi.
"Takaw mo. Tignan mo nga, may sauce ka pa dito." Pagkasabi niya ng "dito" na word, siya namang tanggal niya dun sa sauce gamit ng daliri niya.
"Yun oh, dumadamoves na si Kuya. Sa wakas! Nababawasan na rin ang katorpehan niya." Pang-asar ng mas batang kapatid ni Trick na si Trizia. Ayun, nabatukan tuloy ng kuya.
"Aray ko naman kuya! Makabatok. Ibuko kita dito kay Ate Ellie eh." Pinandilatan lang naman siya ni Trick at natatawang tumakbo paakyat sa kwarto.
"Ano namang ibubuko ng kapatid mo sa'yo, bebs? Ikaw haaa." Maasar nga. Malay natin, baka biglang umamin. Deh joke lang naman.
"May ibubuko pa ba siya? Eh umamin na ko ah." Teka. Buffering.
![](https://img.wattpad.com/cover/731036-288-k365538.jpg)
BINABASA MO ANG
Broken Arrow #KathNielReads
FanfictionKailan ba tatama si Kupido? Kapag lahat ng crush ko, taken na? Kapag lahat ng gusto ko, committed na? Kapag lahat ng mahal ko, masaya na? At ako na lang ang hindi? Aba, sino na lang ang matitira sa akin.