ARROW SEVEN
Hanggang sa ihatid ako sa kwarto at halikan ako sa noo ni Trick, wala akong reaction. Parang nashock yata ako sa sinabi niya. Seryoso ba siya dun?
"Nak, ano, nagtapat na?" Biglang sulpot nitong Tatay ko. Parang si Trick lang eh.
"Dad, anong sinasabi mo dyan?" Mukhang may alam ang tatay ko na hindi ko alam? Okay. Lalo lang akong ginugulo ng tatay ko.
"Alam mo 'nak, may tiwala naman ako dyan kay Trick. Kaya nga hindi kita pinipilit na sumama sa amin ng mama mo kasi alam kong ayaw mong iwan yung batang 'yun. Kunwari lang yung sinasabi mong gusto mo ditong mag-aral eh." Loko-loko rin 'tong tatay ko ano? Binabaligtad pa yung dahilan ko eh.
"Dad naman." Hinampas ko nga siya ng unan. 'Wag na kayong magtaka, close talaga kami ng tatay ko kaya okay lang kahit naghahampasan kami niyan.
"Hay ang baby ko, dalaga na. Ilan na ba napaiyak mong lalake? Aba, mana ka sa 'kin kaya dapat marami na yan." Hahampasin ko sana ulit nang unan pero naunahan ako eh. Sakit.
"Si Trick, alam mo 'nak, mahal na mahal ka nun. Tinanong niya ko kanina kung tuloy na tuloy na daw ba tayo sa pag-alis, parang gusto pa niya tayong pigilan eh. Sabi ko sayo, may HD sa'yo yun eh." Loko-loko talaga 'tong si Dad, may nalalaman pang HD eh.
"Pero 'di nga 'nak, okay lang naman na magtapos ka muna ng college dito." Hanggang sa nakisali na rin si mama sa usapan namin ni Daddy. Tapos napagusapan din naman yung plano. Siguro okay na rin, andyan naman si Trick habang wala parents ko eh.
"Pag-isipan mong mabuti, baby. Hindi ka naman namin pinepressure. Tsaka andyan naman si Nanay, alam mo namang peyborit apo ka nun, babantayan ka nun kahit wala kami." Sabi ni mommy habang sinusuklay-suklay ang mahaba kong buhok.
Bukod kay Trick, mahal na mahal ko nanay at tatay ko. The best eh. Kahit hindi kami super yaman, sobrang yaman ko na, sa kanilang dalawa pa lang. Kaya ayoko sanang malayo. Pero practically, mas okay na sigurong dito muna ako.
Bago ako matulog, naisip ko na naman 'yung sinabi ni Trick kanina. Hindi ko alam kung matutuwa ako o maguguluhan. Gwapo ng bespren ko eh. Tapos gagawin kong boypren ko? Aba, tiba-tiba. Jackpot! Matext nga.
"Bebs, kapag ba niligawan mo ko.. tapos hindi naman ako aalis, bawal pa rin akong magkakacrush sa iba? Pwede naman siguro noh? HAHA, JK! Goodnight, bebs. <3"
![](https://img.wattpad.com/cover/731036-288-k365538.jpg)
BINABASA MO ANG
Broken Arrow #KathNielReads
FanfictionKailan ba tatama si Kupido? Kapag lahat ng crush ko, taken na? Kapag lahat ng gusto ko, committed na? Kapag lahat ng mahal ko, masaya na? At ako na lang ang hindi? Aba, sino na lang ang matitira sa akin.