Malapit nang matapos.... ANG SEASON ONE! Hanggang Arrow Twenty lang ito. Pero kung gugustuhin niyo, syempre ipopost ko agad ang Season Two. Yun ay kung gusto niyo talaga. Depende pa rin yun kung pano niyo ako makoconvince, hehe. =))
Pero salamat pa rin sa pagbabasa, mga bebe! Iloveyouuuu. :*
______________________________________________________________________________
"Oh meryenda." Ayan na, bumalik na ang bruho. Pero parang wala lang na bumalik siya at nakalimutan na niya yung binanggit niya kanina.
"Patapos ka na pala eh. Tama na muna ‘yan, wedding invitation naman natin ang ayusin mo." Sabi ni Trick sa akin sabay abot ng isang papel.
"Ano naman ’to? At wag mong sabihing papel. Para sa’n tong mga pangalan na ‘to?" Tanong ko sa kanya.
"Ah yan? Listahan ng mga ninong at ninang, tapos mga abay." Casual niyang sagot.
"Nanggagago ka naman, Trick. Hindi pa nga ako, nagdedebut, kasal na agad?" Natatawa kong sabi kay Trick.
"Basahin mo muna kasi." Pagkasabi niya non, yumuko na lang siya sa table at parang matutulog muna yata. Sinimulan ko namang basahin lahat ng pangalan na nasa papel, puro kaklase namin at ibang teachers.
Habang binabasa ko, napatingin ako kay Trick na hindi naman pala tulog. Hindi ko alam kung makoconscious ba ko na nakatitig siya sa akin o ano eh. Pero ayan na naman, nakakalusaw na naman. Hanggang sa hindi ko namalayan na nagtititigan na pala kami.
"Mga tol, daming langgam! Sobrang tamis kasi dito." Parinig ng isa naming kasama.
"Puro pangalan naman ng mga kaklase natin eh."Patay malisya kong sabi kay Trick na umayos na ng upo.
"Onga. Eh diba may wedding booth sa fair? Syempre magpapakasal tayo kaya dapat may entourage." Patay malisya din niyang sagot. Nakakaloko ‘tong si Trick talaga oh.
"Loko ka! Akala ko yung seryosong kasal na." Hinampas ko naman sa kanya yung papel na pinagsulatan niya ng mga pangalan.
"Aray ko naman, bebs! Makahampas ka naman oh." Sabi ni Trick habang pinipigilan ang mga kamay ko na hampasin siya. Eh kasi naman eh, nawindang kaya ako sa mga pinagsasabi niya kanina.
"Bahala ka nga dyan, matulog ka na lang. Konti na lang, matatapos na ’to. Tapos uuwi na tayo." Sabi ko sabay harap ulit sa computer at bumalik sa pag-eedit. Nanahimik naman kaming dalawa pagkatapos.
Maya-maya napansin ko naman na seryoso siyang nagsusulat sa isang papel.
"Huy bebs, ano yan?" Sabi ko habang pinipilit kong agawin yung papel na pinagsulatan niya.
"Kulit mo bebs! Wala nga. Halika na nga, uwi na tayo." Nauna naman siyang lumabas sa akin. Loko yun, iniwan pa ko dito.
"Elliebabes, kelan mo ba sasagutin yon? Kahit naman walang ligawan, sa tagal niyong magkaibigan, sigurado namang sincere siya sayo." Napaisip ako. Teka. Kailan nga ba?
BINABASA MO ANG
Broken Arrow #KathNielReads
FanfictionKailan ba tatama si Kupido? Kapag lahat ng crush ko, taken na? Kapag lahat ng gusto ko, committed na? Kapag lahat ng mahal ko, masaya na? At ako na lang ang hindi? Aba, sino na lang ang matitira sa akin.