Arrow Nineteen.

43.7K 739 44
                                    

Read Author's Note, guyyyys. :* Thank you! Look at what Ellie is wearing sa may picture ha?

______________________________________________________________________________

"Wow, ganda mo ngayon bebe. Anong meron?" Yan agad ang sabi ni Kaye pagpasok ko sa room. Eh talagang nagpaganda ako ngayon. MC daw kasi ako ng program ng fair mamaya. Hindi lang naman dahil sa sinabi yun ni Trick eh.

"MC ako mamaya, te. Ano ka ba." Sabi ko sabay hampas kay Kaye. Pano, parang ewan na pinipicturan ako.


Hindi kasi kami sabay na pumasok ni Trick. Mamaya pa daw siya after ng program pupunta dahil tinatamad siyang manuod. Kahit kelan naman, tamad yung lalaking yun eh. Eh after ng program, dun pa lang ioopen lahat ng booths.

"Oh sis, tara na?" Sabi ni Mike habang kinukumpas pa yung kamay sa ere. Yuck ’to, baka matuluyan.


"Lezz go!" Habang papunta naman kami sa may gym, napansin kong kakaiba makatingin ’tong mga schoolmates ko. Alam ko namang maganda ako. Deh joke. Pero di nga. May something sa tingin nila na hindi ko ma-explain.

"San si bebs mo? Di yata kayo sabay? HMM. Siguro, ayaw ka na niyang makita kasi tuluyan na siyang nahulog sa charm ko." Pang-asar ni Mike na nagbabakla-baklaan pa rin.

"Bro ha, matuluyan ka dyan. Bahala ka. Nasa bahay pa siguro nila yun, tamad eh." Sabi ko na lang.

Nang magsimula ang program, medyo boring pa. Pero dahil ka maganda ako PO, deh joke. Ayun, umayos ayos din naman dahil sa performances ng iba’t ibang group. Syempre, mga intermission numbers ganun. Hanggang sa matapos ang program, mukhang nag-enjoy naman ang mga tao.

"Ngayon, we would like to formally welcome you to our Mathematics and Science Fair!" After ng announcement, automatic nagtakbuhan ang mga schoolmates ko. Kasi ibig sabihin, open na rin ang mga booths kaya malaya nang manghuli ng kung sino-sino ang jail booth. Nakakatawa nga eh kasi pati teachers nakisali sa takbuhan.


"Oi bebs, tapos na program. Wer na u? D2 n me. HAHA, joke. San ka na? Gutom na kooooo." Text ko kay Trick dahil lunch na at wala pa rin siya. Tagal ng bruhong yun talaga oh. Kaya eto ako, nakikibantay ako sa booth namin. Horror booth! Sabi nila, magmulto din daw ako pero wag na daw dahil sayang ang outfit.

"Sa puso mo. :D" Ang reply ni Trick sa text ko. Walangya yan. Tinong kausap. Hay nako, punta na lang ako sa mga booths na may nagtitinda ng food. Hindi rin naman ako binigo ng mga tinitinda nila. Kasama ko iba kong classmates ngayon at sarap na sarap kami sa pagfofoodtrip.

"Ate Ellie, delivery po." Sabi ng isang gwapong third year student sa akin. Aba aba. Kung ganito kagwapo lahat ng nagdedeliver, magpapadeliver na ko lagi.

"Hoy Elliebabes, yung delivery yung pansinin mo. Loko ka." Sabi ni Kaye dahil medyo nakipagkwentuhan pa ko kay delivery boy. Syempre, crush din yun eh.

Tinignan ko naman ung delivery para sa akin. Isa siyang piraso ng red rose. Ni walang note na nakalagay. Eh wala rin namang sinabi si delivery boy kasi bawal daw ipagsabi. Maya-maya, may nagdeliver na naman na red rose sa akin. Hanggang sa parang may hawak na ko na bouquet ng red rose sa dami ng hawak ko.

"Aba Ellie, mabenta ka yata ngayon. Makapag-ayos nga rin nang makatanggap din ng red roses." Pang-asar ng mga kaklase ko sa akin na kasama kong nakatambay sa labas ng horror booth.

Habang nagtatawanan naman kami ng mga kaklase ko bigla na lang may humawak sa risk ko at nilagyan ng posas.

"Ah teka, san niyo ko dadalhin? Bata pa ko oy." Sabi ko sa nanghuli sa akin na batchmate ko.


"Malamang sa jailbooth, Ellie. At hindi ka pwedeng tumakas or magpiyansa." Sagot ng batchmate kong nanghuli sa akin. Kainis ‘to. Eh bakit parang ako lang ang nakakulong?

"Announcement. Lahat ng kasama sa entourage, punta na daw po sa may marriage booth." Salamat. Dalawang beses pang inulit yung announcement na yun. At ano namang entourage yun. Aba, mukhang may bonggang ikakasal  sa marriage booth ah.

"NOOOOOOOOOOOO! Itigil ang kasal!" Sigaw ng isang babae sa di kalayuan.

"Hoy Rayne! Itakas mo ko dito. Gusto ko ring mawitness ang kasal na yun!" Sigaw ko dun sa babaeng sumisigaw.

"Eh? Andyan ka pala?! YEEEEEES!!!1111 Dyan ka na lang forever, Ellie! BWAHAHAHA." At biglang nag-evil laugh? Loko yun. Iniwan lang ako dito. Wala tuloy akong magawa kaya umupo na lang ako sa sahig at nilagay ang ulo ko sa mga tuhod ko. Matulog na lang kaya ako ano.


"Bebs, saan ka na?"Nagising ako sa text ni Trick. Ngayon mo pa ko hinanap, kung kelan sarap na sarap ako sa tulog ko.

"Saan na kaya yung bride nung nasa may marriage booth? Kung sa akin lang papakasal yun, hindi ko yun iindyanin." Swerte kaya niya! Sabi naman ng mga babaitang napadaan sa may jailbooth. Sino bang tinutukoy ng mga ’to.

"Hay nako, kaya naman pala hindi mo naririnig yung announcement namin. Natutulog ka dyan. Tara na, Elliebabes!" Sabi ni Kaye sabay hila sa akin palabas ng jailbooth.

"Teka! San ba tayo pupunta? Naka-heels ako, bebe! Baka matapilok ako." Hindi ko namalayang may kausap pala sa phone si Kaye kaya hindi niya ko pinapansin.

"Wag kang mag-alala, bebs. Sasaluhin naman kita." Kelangan naka-mic habang sinasabi yun at hingal na hingal ako dito sa may dulo ng red carpet ng marriage booth? 

______________________________________________________________________________

Ayon, dinededicate ko 'tong chapter na 'to kay pilosopatasya na destiny ko. HAHA, yeees. Kahit lagi kitang kaagaw sa mga papabols, alam ko namang mahal mo ko kaya ibibigay mo sila sa akin. >:D

Salamat sa mga gustong mag-abay! Sobraaaa. Sa mga may gusto ng season two, titignan ko po ha. Pero may ipopost akong story na gagawin ko na lang din FanFic ng KathNiel, sana suportahan niyo pa rin. =))

Salamat sa inyooo. One chapter to go! Thank you, guyyyys. Love you, mga bebe! :*

Broken Arrow #KathNielReadsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon