Arrow Five.

53.9K 844 37
                                    

ARROW FIVE


Busy-busyhan naman ngayong hell week. Cramming sa pagpasa ng requirements sabay mo pa ang mga exams. Hay grabe, I need rest.

"Bebs." Dumating naman si Trick na may dala-dalang, as usual, pagkain. Ewan ko ba sa taong 'to, kahit anong kain, hindi tumataba.

"Takaw mo talaga." Hindi naman ako pinansin pero sinubo niya lang sa akin yung kinakain niya. Tignan mo, siraulo talaga.

"Ish. Anghang! Tubig!" Tukneneng kasi yung kinakain niya. Eh mahilig 'to sa maanghang.

"Haha! Sorry bebs. O coke." Agad ko namang kinuha 'yung pinainom niyang coke. Sa kanya yata dapat yun pero since namumula at naiiyak na ko sa anghang, binigay na niya sa akin.

"Papatayin mo ba 'ko!? Kainis." Iniwan ko nga dun si Trick at magrerelax muna ako. Kakatapos ko lang kasing gawin 'yung thesis proposal namin. Eh individual kasi 'yun kaya medyo nawindang ang beauty ko.

Habang nagmumuni-muni naman ako dito sa may parang playground ng village namin, may nakita akong magbfgf na nakaHHWW. Pagkatitig ko sa kanila, si Jolo pala 'yung lalaki at si Therese naman 'yung babae. Schoolmates ko sila. Ehem. Yung si Jolo, ex ko. Si Therese, ka-village ko siguro.

"Uy Elliebabes, mag-isa ka yata? Sa'n si Trick?" Tanong ni Therese. Wag na kayong magtaka, hindi naman ako bitter sa kanila, tagal na rin nun.

"Kumakain, as usual. Kayo, sa'n ang date? Oy, bata pa kayo! Haha!" Asar ko sa kanila. Alam ko namang matinong lalake 'tong si Jolo, pero sadyang, hindi siya para sa akin.

"Dyan-dyan lang. Ikaw, nasa'n ang date? Aba, nagsosolo ka ngayon ah." Ito talagang si Jolo. Tsk. Kaya kami naghiwalay, pa'no sobrang seloso. May makausap lang akong lalake, kala niya, nilalandi ko na.

"Che! Lumayas na nga kayo. Chupi!" Tuluyan na rin naman silang umalis. At talagang ininggit pa ko, sobra 'tong mga 'to kung makapag-PDA eh.

Minsan namimiss ko rin 'yung ganun. 'Yung may ka-HHWW. May kausap at kakwentuhan lagi. May nagpapakasweet para sa'yo. May naglalambing. Mga ganung bagay na hindi ko na ulit naranasan. Ayoko na rin kasi muna. Syempre, alam kong aalis kami sa Pinas. Ayoko namang may maiwan ako dito. Di ko rin carry ang LDR.

Natigil naman ako sa pagmuni-muni ng biglang may nagtext sa akin. "Bebs, san ka? Dito ko sa bahay niyo, inuubos na nila Tito yung icecream mo. Uwi ka na." Umuwi rin naman ako agad after kong mabasa 'yung message. Si Daddy talaga, isa pang matakaw yun eh.

Nang maggabi na, nasa may gutter kami sa tabi ng daan ni Trick. Nagkukwentuhan. Naisip ko lang bigla na itanong.. "Bebs, pa'no 'pag umalis na kami? Mamimiss mo kaya ako?"


Broken Arrow #KathNielReadsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon