Arrow Six.

51.1K 928 74
                                    

ARROW SIX


Matagal bago siya sumagot. Matagal na katahimikan. Ewan ko, para kasing hindi ko rin maisip na mahiwalay ako dito kay Trick. Kahit naman hindi halata, mahal ko 'yan. Kahit pasulpot-sulpot 'yan, alam ko namang hindi ako pinapabayaan niyan eh.

"Anong silbi ng FB? Twitter? Skype? Pati pwede pa kitang i-stalk sa tumblr mo." Sagot ni Trick. Pero parang hindi ako nakuntento. Siguro tatanggapin ko na muna 'yung sagot niyang 'yun sa ngayon.

"'Wag ka ngang umemote dyan. Hindi pa naman sigurado 'yung pag-alis niyo ah. Pati sabi naman ni Tito pwede kang magstay, ikaw lang naman dyan 'yung gustong iwan ako eh." Wow. Nakarinig ba ko ng tonong nagtatampo? Eh ayoko naman kasing maiwan dito sa Pinas habang 'yung magulang ko nasa ibang bansa.

"Bebs naman eh.." Sasagot pa lang sana ako ng bigla na lang niya kong hinatak at inakbayan habang nakatingala siya sa langit.

"Alam mo bebs, kahit naman nasa'n ka, kasama mo ko eh. Malay mo, bigla na lang akong sumulpot dun. Expertise ko naman 'yun, diba? Pero di nga, 'wag mo nang masyadong isipin. Kung aalis ka, deh hihintayin kitang bumalik. Kung hindi, deh sasamahan pa rin kita." Muntik na kong maiyak sa speech nitong si Trick, joke. Kasi itong taong 'to, seryoso pero pilosopo din. Natutuwa tuloy akong marinig mula sa kanya yun.

Kung may tao man siguro akong hinding-hindi hahayaang mawala sa akin, siya na 'yun. Si Trick na 'yun.

"Alam mo bebs, hindi ko alam kung bakit ba kita ginawang bespren." Sa totoo lang kasi, iniisip ko, ang swerte ng magiging girlfriend nitong si Trick. Hindi man halata, pero sobrang sweet niyan. Pati bonus na 'yung kagwapuhan niya na sa akin niya lang pinagyayabang.

"Aba't nagsisisi ka pa. Buti nga hinayaan kitang gawin mo kong best friend mo eh." Hinilamos naman niya sa pagmumukha ko yung kamay niya. Loko 'to, para namang papel na kinrumple ang mukha ko.

"Naisip ko lang kasi, dapat pala ginawa na lang kitang boyfriend ko. Papasa ka naman sa requirements ko eh, medyo bawas-bawasan mo nga lang ang pagiging kabute mo." Natatawa kong asar sa kanya. Ang pinagtataka ko naman, hindi siya sumasagot. Baka nakatulog na 'to, magkasandal kasi ulo namin eh.

"Bebs. Kapag ikaw ba, niligawan ko.." Teka, ano daw? Hindi ako mapakali. Namumula na yata ako. Pa'no, sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Tipong kakainin niya ko sa sobrang titig niya habang nasasalita.

"Nangangako ka bang kahit magkalayo tayo hinding-hindi ka na magkakacrush sa iba?" Ha? Ano daw? Ligaw? Girlfriend?


Broken Arrow #KathNielReadsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon