Arrow Twenty.

53.7K 1.3K 188
                                    

HI GUYYYYS! SORRY NA-DELAY. DAPAT DECEMBER 25 KO 'TO IPOPOST KAYA LANG NATAGALAN DAHIL HINDI KO AGAD NAGAWA DAHIL SA MEDYO MARAMING PINUNTAHAN THIS CHRISTMAS.

ALLCAPS AKO DAHIL AKO MISMO AY KINIKILIG SA ENDING. SANA KILIGIN DIN KAYO. T____T

SEASON TWO BA GUSTO NIYO? =)))) 

100 VOTES MEANING, YES! ;)

PINAKAMAHABANG UPDATE DAHIL LAST? HEHE, THANKYOUUUU SA MGA MAGBABASA. SANA MAGUSTUHAN NIYO. :*

________________________________________________________________________________

Ayun si Trick, napakalaki ng ngiti habang naglalakad papalapit sa akin. Yung ngiti niya, nakakaloko. Yung tipong nandedemonyo na nang-aakit. Ewan ko pero nalulunod na yata ako sa tingin niya. Ito namang mga usisero, makatili kala mo may pinapanuod na artista.

"Ano na namang kalokohan ’to ha? Ikaw talaga, kung ano-ano naiisip mo." Sabi ko kay Trick pagkahinto niya two steps away from me.

"Kalokohan? Kelan pa ko nagloko sayo, bebs?" Sabi naman ni Trick sabay lumuhod siya tapat ko at todo tili na naman ang mga babae samantalang yung mga lalake sigawan din at may pa-appear appear pa.

"Alam mo namang seryoso ako sa’yo diba? Alam ko rin na kailan lang nang umamin ako sayo. Hindi kita pipilitin. May ilang minuto ka pang chance mag-isip." Tumayo naman siya nun at hinawakan ang mga kamay ko. "Lalakad na ko papunta sa altar, habang naglalakad ako kasunod ng mga kaibigan natin, pag-isipan mo kung susunod ka ha? Nasa dulo ako, hihintayin kita. Kapag nakarating ka na dun, ibig sabihin, mahal mo rin ako. Ibig sabihin, tayo na. Ibig sabihin, hindi mo na lang ako best friend, boyfriend mo na rin ako. Pag-isipan mo, bebs." Hinalikan muna niya ko sa noo bago siya pumwesto at nagsimula nang maglakad.

"Te, kung ayaw mong ipakasal kay Trick, ako na lang. Pero dahil labidabs kita, sige na, abay na lang ako. Pag-isipan mo ha." Sabi ni Lonavel Francisco at naghahop pa habang naglalakad. Bibong bibo eh. Feel na feel niya paglalakad sa red carpet.

"Ate Ellie, pwede ka pang umayaw. But if I were you, susunod ako." Sabi ni Adee dela Cruz na may kasamang kindat pa yan ha sabay lakad na may kasamang kaway sa mga nanunuod. Artista lang, te? Infairness sa batang ‘to, lower year siya sa amin pero lakas ng confidence.

"Hi ate! Nako, kung ako po sa inyo, papayag na ko. Kasi te, marami kang kaagaw hindi mo lang alam. Sige ka, ikaw rin." Bulong naman sa akin ni Almira Perez at dire-diretso nang lumakad. At yung kamay niya, parang yung sign ng ”lagot ka” habang nakangiti ng nakakaloko. Loko ’tong bata na to, eh kasama ko ’to sa mga organizers eh.

"Alam mo sis, ang swerte mo. Kung sa akin ’to ginawa? Aba, kanina pa ko nasa tabi ni Trick." Sabi naman ni Erika Paola Capulong na classmate namin sabay talikod at naglakad na. Eh pag-isipan ko daw mabuti eh saka isa pa, parang andami yatang abay? Eto ba yung mga nakalista dun sa papel?

Broken Arrow #KathNielReadsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon