Arrow Eighteen.

42.1K 725 56
                                    

Read Author's note sa dulo ng update, okay? Salamaaat, mga bebe! :* 

___________________________________________________________________________

Busy pa rin kaming mga organizers ng fair. Ongoing naman yung iba’t ibang events, nakakatuwa nga na ang daming nagpaparticipate. Katulad na lang sa MathSci Trail na parang amazing race pati sa quiz bee. Nagdagdag nga sila nung sa Rubik’s cube eh, pabilisan mabuo. Akalain mong sumali si Trick don, at nasama pa siya sa Top 3.

"Pano mo nagawa yun?! Ish." Sabi ko kay Trick habang hinahampas-hampas ko siya dahil nga nanalo siya sa contest.

"Bilib ka na naman sa akin, Bebs. Ganun talaga pag gwapo, magaling sa lahat." Pagmamayabang ni Trick.

"Kapal! Asaan ang gwapo? Ay ayun, si James!" Sabi ko sabay turo dun sa lower year sa amin na naka-first place sa larong sinalihan ni Trick.

"Heh. Wag kang child abuse." Sabi ni Trick sabay binatukan ako hanggang sa nagwre-wrestlingan na naman kami sa daan. Ganun talaga, kahit siguro sabihin na nating nililigawan na nga ako ni Trick, hindi pa rin nawawala yung pagiging mag-best friends namin.

Madalas late akong umuuwi pero hinihintay pa rin ako ni Trick. Sabi nga ni nanay sa kanya, iwan na lang daw ako at baka may gagawin pa siyang importante. Sabi ba naman, “Nay, wala ng mas importante pa sa apo niyo. Bukod sa luto niyong napakasarap. “


Ang lola ko naman, kilig na kilig. Namimiss daw niya tuloy si lolo. Kaya ayan, laging pinagluluto ng pagkain si Trick tuwing nasa bahay namin siya.

"Bebs, paganda ka bukas ah. Kahit mahirap, dahil mag-eeffort ka talaga, paganda ka ah?"Pang-asar ni Trick sa akin habang nasa daan kami pauwi. Bukas na kasi yung last day ng fair, kaya maraming booths ang mag-oopen. Tulad ng horror booth, jail booth at kung ano ano pang booth.

"Kapal mo talaga. Ano na namang binabalak mo?" Tanong ko sa kanya na may kasamang hampas.

"Syempre, magpapagwapo ako. Kaya dapat, magpaganda ka rin. O kaya, wag na lang, baka agawin ka pa nila sa akin. Ako na lang, madadala ka naman siguro ng kagwapuhan ko." Pagmamayabang pa rin ni Trick. Kainis ’to, ang ganda ko kaya.

"Ah ganon? Hay nako ewan ko sa’yo, wag kang makikikain sa min mamaya ah?" Ganti ko sa pagmamayabang ng damuho kong best friend.

"Hahaha, ang slow mo talaga, Bebs. Basta, magpaganda ka na lang, okay? Pero kung mahihirapan ka talaga, okay lang. Mahal pa rin naman kita kahit pangit ka eh." Sabi ni Trick, hinampas-hampas ko nga.

"Ikaw, kala mo naman ang gwapo gwapo mo. Eh di hamak namang mas gwapo yung mga crush ko sayo eh." Sagot ko sa kanya habang nakikipagbugbugan pa rin.

"Eh wala namang binatbat sakin mga yun. At least ako, kahit ang gwapo ko lang plus macho pa, mahal na mahal naman kita." Nagpogi pose pa siya, sabay kindat. Hay ewan, oo na, Trick, gwapo ka na.

___________________________________________________________________________

Two chapters na laaaaang! Seryoso ako dun sa abay-abay thingyyy. Isa pa lang ang nag-apply. Si Lonavel Francisco. Yung isa (ehem Rayne/Tiny) bride ang inapplyan. Pero swear! Sabihin niyo lang na gusto niyong mag-abay at yung name niyo, lalagay ko kayo sa Arrow Twenty.

Last Chapter na rin pala un, btw. Kaya asahan niyong mahaba siya, haha. Pinag-iisipan ko pa kasi kung maglalagay ako ng season two. 

Pero pansin niyo, wala masyadong conflicts yung story? Wala lang. Eh eto naman yung karaniwan na lovestory ngayon. Yung iba, ang bibigat ng conflicts eh. Eto, mga selosan lang, ganun. Purely fun. Highschool pa lang naman kasi sila so what do we expect diba. 

Vote and comment, mga bebe!

Salamat palaaaa. Natuwa lang ako na nalagay sa What's Hot, both Fan fiction and Teen fiction. Pinapakilig niyo talaga ako.

Follow me on twitter, http://twitter.com/#!/imerikapauline at tumblr, http://imerikapauline.tumblr.com/ i-tweet or i-TA niyo ko para ma-followback ko kayo. =)) SALAMAT ULIT! LOVEYOU MGA BEBE! <333

Broken Arrow #KathNielReadsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon