Follow niyo ko sa twitter! @erinxdizon :)
______________________________________
ARROW THIRTEEN
Hindi ako nagreply kagabi. Umabsent pa ko sa school at hindi ko hawak ang cellphone ko. Sinundo kasi namin si lola dahil siya na nga ang magbabantay sa akin dito sa amin. Wala naman kasi siyang ginagawa sa kanila kaya okay lang daw na ako na lang pagkaabalahan niya.
Yung cellphone ko, naubusan na ng battery dahil ginamit ko ring pang-soundtrip habang nasa byahe. Nakakatuwa nga kasi nagbonding talaga kaming tatlo ni mommy at daddy.
"Nak, replyan mo na nga si Trick. Kanina pa text ng text sa akin bakit daw di ka nagrereply." Reklamo ng tatay ko sa akin habang kumakain kami.
"Eh sabihin mo na lang dad, wala ng battery phone ko. Hindi ako makareply." Imbis na si daddy ang magreply, binigay na lang niya cellphone niya sa akin.
"Oh ayan, itext mo. Kanina pa 'yan nagtetext." Binasa ko naman lahat ng message ni Trick sa tatay ko. Aba't oo nga, kanina pa. Puro nakalagay, "'To, pakisabi naman po kay Ellie na magreply siya sakin."
Since nakaplan naman 'tong phone ni daddy, tinawagan ko si Trick at pumunta muna ko sa labas ng bahay ni lola. Nakailang ring pa lang, sinagot na agad niya.
"Hello 'To? Si Ellie po? Kasama niyo?" Hindi ako sumagot. Pinapakinggan ko lang siya habang pinapatahimik niya mga kaklase namin.
"Tumahimik nga kayo mga pre, kausap ko biyanan ko. Isa! Iingay!" Natatawa ko sa kanya. Biyanan talaga?
"Wag ka na, Trick! Pagkatapos mong hindi pansinin si Ellie maghapon, ngayon naman hindi ka mapakali. Lagoooooot! Pinagpalit ka na niya!" Hindi ko pa rin binababa ang tawag dahil natatawa ako sa mga naririnig ko. Pa'no, feeling ko nabugbog na yung kung sino man ang nagsabi nun na classmate namin eh.
Hanggang sa medyo tumahimik na yung kabilang linya. Siguro lumabas na lang at lumayo muna si Trick sa mga kaklase namin.
"So hindi ka pa rin magsasalita dyan? Makikitsismis ka lang ba, bebs?" Alam na pala niyang ako 'tong tumawag. Hay nako. Wag ka munang sumagot, Ellie.
"Ganun pala yun. Grabe bebs, hindi ako nakatulog kagabi. Promise, sa susunod, kakausapin na lang kita. Hindi na kita dedeadmahin. Ayoko nung ganito. Hindi na 'to mauulit, bebs. Sa susunod, sasabihin ko na lang diretso sayo na nagseselos ako. Na kahit wala pa kong karapatan, gusto ko kasi akin ka lang. Na kahit hindi pa tayo, alam kong may mga nagbabago na. Pero sana wag ka namang mapagod sa 'kin, kasi bebs, baka magmukha na kong eyebags na tinubuan ng mukha at katawan dahil wala akong tulog kakaisip sa'yo." Hindi ko alam kung tatawa muna ako o kikiligin eh.
"Siraulo ka talaga, bebs. Ganda na ng linya mo eh, panira naman yang eyebags na 'yan." At yun, okay na.
BINABASA MO ANG
Broken Arrow #KathNielReads
FanfictionKailan ba tatama si Kupido? Kapag lahat ng crush ko, taken na? Kapag lahat ng gusto ko, committed na? Kapag lahat ng mahal ko, masaya na? At ako na lang ang hindi? Aba, sino na lang ang matitira sa akin.