Arrow Three.

60K 967 60
                                    

ARROW THREE


"Bebs, alam mo ba break na pala si Chester at Cheska? Nakakasad. Wala na ang Che Che love team." Kwento ko dito kay Trick. Pero wala eh, busy sa DotA. Kainis nga, parang wala lang din akong kausap.


Andito nga pala ako sa bahay nila Trick. Kung bakit, yun ay dahil wala akong magawa sa bahay. Kaya nagbike ako papunta dito sa kanila. Magkatabing subdivision lang naman kami eh.

"Oi bebs, alis na ko ah?" Hindi ko talaga alam kung bakit napagtiya-tiyagaan ko pa rin 'tong si Trick. Tignan niyo nga, parang hangin lang ako. Madalas, nakakainis na talaga eh.

Pero madami ring nagsasabing bagay kami at ang sweet daw namin. Natatawa na lang ako, sa dami ng lalaki sa mundo, sa dami ng crush ko, hindi ko yata maisip na kaming dalawa ni Trick ay mag-bfgf. 

Napadpad naman ako dito sa ministop. Tumambay kaya ako dito para mag-abang ng pogi?Magsasight seeing lang. Ayaw ko namang magmall, mapapagastos lang din ako eh.
 
"Huy Ellie, anong ginagawa mo dito? Ba't mag-isa ka?" Si Chester. Parang kanina lang kinukwento ko siya kay Trick noh?

"Wala naman, naghihintay ng gwapong papansin sa angkin kong kagandahan.: Aba ang loko, tumawa lang ng malakas. Di naman ako nagjojoke, seryoso kaya ako dun.

"Grabe Ellie, ngayon na lang ulit ako tumawa ng ganun." Pero maya-maya bigla ring nagseryoso. 

"Tsk. Ano ba kasing nangyari sa CheChe loveteam?" Ang tagal na rin kasi nila eh. Siguro mga three years na rin. Simula ata nung first year highschool kami, sila na. Odiba, ang agang kumerengkeng eh.

"Ewan ko. Nagkasawaan? Nanlamig? Nakahanap ng bago?" Ang dami namang sinabi. Pero alam ko naman ang ibig niyang sabihin, nagsawa kay Cheska, nanlamig sa relasyon nila at may bago na siyang gusto.

"Loko, mahal na mahal ka ni Cheska tapos ganun-ganun lang 'yun. Dami niyo na ngang pinagdaanan eh." Nakakaloko lang talaga eh, noh.

"Ellie, hindi mo talaga malalaman kung hanggang kailan mo mamahalin ang isang tao. Kaya nga madalang ang forever eh. Usually, ang pinakanagtatagal na relasyon, yung mga magkaibigan. Hanggang dun lang siguro kami ni Cheska." Nakakalungkot man, tama siya. 

"Bebs, gusto mo?" Biglang sulpot na naman 'tong si Trick na may hawak na dalawang cone ng icecream. Buti na lang magkaibigan lang kami neto. At least, pwedeng mag-exist ang friends forever.


Broken Arrow #KathNielReadsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon