Follow niyo ko sa twitter (http://twitter.com/erinxdizon), I follow back guys! =)
________________________________
ARROW FOURTEEN
Late na kong pumasok kinabukasan sa school. Natawa nga ko kasi pagdating ko sa classroom, kantyawan agad. Nakailang batok din si Trick sa mga katabi niya eh. Pero ako eto, pangiti-ngiti lang. Naging okay din kami ni Trick kahapon pagkatapos ng mahaba niyang speech na sinira ng eyebags niya.
"Laki ng ngiti ah, anyare? Okay na kayo?" Tanong bigla ni Gino na partner in crime ni Trick sa katakawan.
"Yes sir. Okay na, kaya bumalik ka na sa pwesto mo dahil andyan na ang totoong sir." Nag-apir lang naman kami pagkatapos kaya balik pag-aaral na naman.
Nang mag-lunchbreak naman, kasama ko mga girls at nasa gym kami ng school. Ewan ko sa trip ng mga 'to, panunuorin daw nila yung cheering squad na magpractice. Palibhasa, andito din ibang varsity kaya magpapacute lang 'tong mga 'to eh.
"Pst. San ka bebs?" Text ni Trick sa akin.
"Gym ph0wszz. Haha, jejemon. Puntahan mo ko? =)" Reply ko naman. After ilang minutes, nandito na rin si Trick pati ibang boys. Syempre lunchbreak pa naman kaya yung iba nakilaro na lang din sa court. Si Trick, marunong naman 'yan magbasketball pero hindi niya hilig. May hika rin kasi eh. Pero bumawi sa musical instruments. Marunong nang maggitara, bass at drums pa.
"Dre, laro tayo! Kulang kaming isa." Inaaya nila Dabs itong si Trick pero ayaw. Pagpapawisan daw siya at wala siyang dalang extra shirt. Ayaw niyang bumaho. Arte eh, noh.
"Bebs, tara laro tayo. Dun tayo sa half court na isa." Pero nung ako ang nag-aya, sumunod naman siya. Nakikipagpustahan pa na pag na-shoot niya daw ang bola, kami na daw. Siraulo talaga eh.
At kung hindi niyo natatanong, medyo marunong po akong maglaro ng basketball. Medyo lang naman.
"Makabantay ka naman, Bebs! Hayaan mo naman akong makashoot. Anong laban ko sa tangkad mong 'yan?!" Kanina pa 'tong si Trick eh. Higpit bumantay. Parang nakayakap na. Feeling ko nga dumadami na mga nanunuod sa amin eh.
"Woooh! Basketball pa lang, higpit ng bumantay. Pano pa kaya pag sa relasyon na?" Pang-asar lang ng mga kaklase namin.
"Mga siraulo! Di niyo ba napapansin? Chumachansing lang ako!" Sigaw ni Trick sa kanila. Tumayo naman siya ng maayos at pinisil ako sa ilong. "At ikaw naman bebs, 'di ko alam kung sinasadya mong chansingan kita eh. Haha,nagustuhan mo ha. Lika na nga. Pawis ka na oh, tama na."
"Chansing ka dyan! Teka, isang shoot lang." Nagdribble naman ako saglit at buti na lang nashoot ko sa ring. Palakpakan naman mga siraulo kong kaklase. Hinayaan ko na lang yung bola tapos ako pa ang umakbay kay Trick at lumabas na kami ng gym.
"Maka-akbay ka naman bebs, hirap yumuko. Pinapaliit mo talaga ko para magkasya ako lalo sa puso mo noh?" Ansabeeeeeee. Kapal ng fes.
BINABASA MO ANG
Broken Arrow #KathNielReads
FanficKailan ba tatama si Kupido? Kapag lahat ng crush ko, taken na? Kapag lahat ng gusto ko, committed na? Kapag lahat ng mahal ko, masaya na? At ako na lang ang hindi? Aba, sino na lang ang matitira sa akin.