Arrow Nine.

47.4K 835 76
                                    

ARROW NINE


Tahimik lang kaming dalawa ni Trick habang naglalakad pauwi sa bahay namin. Normal naman na tahimik si Trick. Pero 'yung ganitong tahimik na wala talagang nagsasalita sa amin kahit ako na sobrang daldal, hindi normal.

"Naiilang ka ba?" Biglang tanong ni Trick sabay akbay.

"Ha? May dapat bang ikailang?" Painosente kong sagot. Sa totoo lang kasi, hindi ko naman alam kung pano ako magrereact sa pinaggagawa nitong si Trick eh.

"Alam mo, hindi mo naman kailangang mailang. Wala namang nagbago ah, bebs pa rin tayo." Sabi ni Trick habang iniipit na sa kilikili niya yung leeg ko. "Wag mo kasing masyadong isiping may magbabago." Balik kulitan lang din kami nitong unggoy na 'to pagkatapos niya kong iwrestling. Sweet niya noh? Ganyan yan maglambing eh, brutal kung brutal.

Pagdating sa bahay sakto namang andun sa labas ng bahay si daddy at mukhang hinihintay kaming dumating.

"Nak, may sasabihin ako." Medyo kinabahan ako sa news nitong tatay ko, baka kasi may masamang nangyari.

"Kelangan talaga dad, dito tayo sa gate mag-usap? Hindi pwedeng sa loob ng bahay? Tara nga. Oi bebs, tara dito ka na magdinner. Pag tumanggi ka.." Papasok na ko ng bahay ng mapansin kong wala namang sumusunod sa akin. Tinignan ko si daddy at Trick at pareho lang silang nakatingin na parang may hinihintay.

"Pag tumanggi ako, ano?" Tanong ni Trick.

"Basted ka na, haha! Bleeeh." Sabay takbo papasok ng bahay. Wala naman na kong ibang narinig nun kundi ang tawa ng tatay ko. Kamusta naman yun, tinawanan pa kami.

Seryosong usapan naman din ang naganap pagpasok nila daddy. Kala ko kung ano. Yun pala, dahil daw hindi na nga ako sasama sa kanila, mas mapapaaga yung pag-alis nila. Tapos si lola na daw ang magbabantay sa akin. Hay nako naman.

Nung pauwi na si Trick sa kanila, at hinatid ko siya sa may gate. Hindi muna siya agad umalis, syempre medyo nag-asaran pa kami ng konti.  "Sabi mo kanina pag tumanggi ako, basted ako." Sabi ni Trick.

"Eh so? Ano naman ngayon?" Barahan kung barahan talaga kami eh.

"Hmm. Hindi naman ako tumanggi. Ibig sabihin tayo na?" Tanong niya sabay taas baba ng dalawang kilay. 


Broken Arrow #KathNielReadsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon