PROLOGUE

159 3 0
                                    

Isang bagong kabanata sa buhay ko ang makatapos ng elementarya at pasukin ang mundo ng pagiging isang high school. Bagong paaralan, bagong mga mukha at panibagong pakikipagsapalaran. Tila napunta ako sa isang mundong hindi ko pa nakikita.

Naging maganda naman ang simula ng aking pagpasok sa aking bagong paaralan. Marami akong mga bagong kaibigan na nakilala. Marami ring mga bagong karanasan at kaalaman ang akin natutunan.

Napaka saya pala ng yugto ng buhay kung saan mas malaya at mas marami kang nagagawa, di tulad noong panahon ng aking kabataan na maraming ipinagbabawal.

Madalas akong ginagabi sa paguwi, kasama ko ang aking matatalik na kaibagan. Kung saan-saan kami napapadpad. Wala kaming ginawa kundi ang magpakasaya at lubusin ang bawat araw na nagdaraan.

Ngunit kahit ganon, kahit kailan ay hindi ko pinababayaan ang aking pagaaral. Mataas ang aking mga grado at nasa top lagi ng buong klase. Naging usap-usapan pa nga ako sa buong paaralan dahil sa nakakitaan ako ng potensyal ng mga guro at mga magaaral sa mga patimpalak na aking sinasalihan.

Labis ang pagkatuwa ng aking mga magulang sa akin dahil napalaki nila ako ng maayos. Isang anak na maipagmamalaki sa lahat.

Ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ay laging may magandang pangyayari sa buhay natin. Walang permanente sa mundo.

Hanggang isang araw, lahat ng masasayang pangyayari sa buhay ko ay napalitan ng isang malagim na trahediya.

Isang masamang balita ang halos sumira ng buong mundo ng aking pamilya.

Ang pakiramdam na magising ka at malamang ang anak mo ay isa nang malamig na bangkay at pinaglalamayan na ng lahat ng inyong kakilala.

Isang napakasakit na ala-ala ang aking iniwan sa puso't isipan ng aking mga mahal sa buhay.

Bakit???

Bakit kailangan nating mabuhay sa mundong puno ng Inggit, Ganid, Kasakiman, kahalayan, kahambugan at Galit.

Hindi na natin namamalayan na unti-unti na tayong nilalamon ng sarili nating mga kasamaan. Na nagtutulak sa atin upang gumawa pa ng ikasasakit ng ibang tao.

Dito naguumpisa at nabubuo ang paghahangad ng isang tao upang Maghiganti. Sa ganitong paraan ay nababawasan at naiibsan ang kanilang hinanakit.

Ngunit ang hindi nila alam ay lalo lang sila nito hinahatak paibaba, hanggang sa tuluyan ng masira ang kanilang pagkatao.

Paano mo ito masusulusyunan?

Kung ikaw ang nasa sitwasyon ko? Mas nanaisin mo bang magpatawad? O ang piliin at tahakin ang mundong punong-puno ng galit at paghihiganti???

LA VENDETTATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon