THE TRANSFER STUDENT

44 3 0
                                    

Paglabas ng bahay ni Romeo ay agad itong pumunta sa bahay ni Ghaby. Sa sobrang takot na baka iniwan na siya ng dalaga ay kinatok at tinawag niya na ito.

Lumabas mula sa bahay ang ina ni Ghaby. Nagpakilala si Romeo sa ina ng dalaga at itinanong kung nakaalis na ba ang dalaga.

" kakaalis lang niya, maaabutan mo pa yon kung magmamadali ka. " paliwanag ng ina....

Nagpasalamat ang binata at nagpaalam sabay kumaripas ng takbo. Nagbabaka sakaling maaabutan pa niya ang dalaga.

Di kalayuan ay natanaw niya ito na naglalakad. Napangiti si Romeo.
Naabutan niya si Ghaby at hingal na hingal ito sa kakatakbo.

" oh! Anong nangyari sayo? " tanong ni Ghaby....

" Sorry na huli ako nang dating. "

" ikaw kasi. Diba sabi ko sayo dapat saktong 11:30? Late ka na ng limang minuto kaya umalis na ako. Hindi na kita hinintay. "

Humingi ng tawad ang binata sa kanyang nagawa.
Naawa naman ang dalaga sa kanya, kaya naman inalok nito ang binata na maupo muna saglit.
Naupo ang dalawa sa isang tindahan. Bumili ng maiinom si Ghaby at iniabot ito kay Romeo.

" Inumin mo yan, para mapawi yung pagod mo. "

Napangiti ang binata at kinuha ang inumin. Napawi ang uhaw at pagod ng binata sa napaka lamig na inuming binili ng dalaga para sa kanya.

Nang makapag pahinga ay muling nagpatuloy sa paglalakad ang dalawa.

Sa kanilang paglalakad ay na datnan nila si Ryan sa harap ng bahay nila Aubrey. Nilapitan nila ito at kinausap.

" Hinihintay ko si Aubrey. " Paliwanag ng binata....

Nagpasya sina Ghaby at Romeo na hintayin na rin ang dalawang kaklase.

Ilang saglit pa ay lumabas ang ina ni Aubrey mula sa kanilang bahay. Binati nila ito ng isang magandang tanghali. Itinanong rin nila kung naka handa na ba si Aubrey sa pagpasok.

" Naku! Wala na dito ang anak ko. Maaga siyang umalis dahil inutusan ko siyang magbayad ng kuryente sa bayan. "

Dahil wala naman pala si Aubrey sa kanila ay agad rin umalis ang tatlo. Dumiretso na ang mga ito sa paaralan.

Sa classroom ay nakita nila si Aubrey kasama ang ibang mga kaibigan nila. Kumaway ito sa kanila. Nagulat si Aubrey sa ekspresyon ng mukha sa kanya ni Ryan. Nakasimangot ito at hindi siya pinansin. Nagtataka tuloy ang dalaga kung bakit ganon ang naging bungad sa kanya ng binata.

Nang makaupo si Ghaby sa kanyang upuan ay sakto naman ang pagdating ni Ms. Quijada. May kasama itong isang babaeng estudyante. Pagkapasok ng guro ay nagsitayuan ang mga magaaral upang batiin ang kanila guro ng isang magandang tanghali.

Matapos ng pagbati ay isang mensahe ang agad na ipinahayag sa kanila ng kanilang guro.

" Class. I would like you to meet Ms. Kate Sanchez. She is a transfer student from EL Woods. She will be a part of this section starting today. Ms. Sanchez please introduce your self to your new classmates. "

At nagpakilala sa kanila ang bago nilang kaklase.

Sa unang tingin pa lang ay masasabing napaka ganda ng dalaga. Matangkad, maputi at mukhang matalino. Mabait rin siyang tignan at mukhang masayahing tao.

Matapos magpakilala ay pinaupo ni Ms. Quijada si Kate sa ikatlong hilera ng mga upuan. Sa hilera nila ay nakaupo sina Christine, Aloha, Pauline, Angel at Danica. Si Danica Bustamante ang kanyang nakatabi.

LA VENDETTATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon