FRAME-UP

61 1 1
                                    

Hapon ng Huwebes, ganap na ika alas-kwatro. Isa nanamang krimen ang naganap sa eskwelahan.

Nagtitipon ang mga tao sa harapan ng Comfort Room ng school.

Isang katawan ng babae ang natagpuang wala ng buhay.

Tila nasanay na ang mga tao sa school sa mga patayang nangyayari sa loob ng kanilang eskwelahan. Parang isang palabas na lamang sa telebisyon kanila ang nakikita. Pinanunuod ng mga tao ang mga pulis habang inilalabas ang katawan ng duguang bangkay upang isakay ito sa ambulansya.

Halo-halong katanungan sa isipan ng bawat isa ang malagim na kaganapan sa mga oras na iyon.

Christine's POV

Kasabay ko sa pagpasok ng school si Janna.

Sa school service tahimik na tahimik si Janna. Naiintindihan ko kung bakit.

Sa palagay ko tumatakbo pa rin sa kanyang isipan ang mga pangyayari sa school.

Ako man din ay ganon rin, kung hindi lang siguro ako matapang at matatag, siguro pareho lang kami ng sitwasyon.

Sinubukan ko siyang kausapin, sumasagot naman siya pero may mga oras na tulala siya kaya kailangan kong ulit-ulitin ang mga sinasabi ko sa kanya.

Nang makarating kami sa school sabay kaming naglakad papasok. Habang naglalakad kami naramdaman ko ang higpit ng kapit niya sa aking braso. Parang takot na takot siyang mahiwalay sa akin.

Hanggang sa classroom ay balisa pa rin siya. Mas matindi pa nga ang ikinikilos niya ng makarating kami sa classroom, ayaw niya na umaalis ako sa tabi niya at di rin siya nakikipag usap sa iba maliban sa akin at sa kuya niya.

Sa isip-isip ko nagiingat lang si Janna mula sa panganib na nagbabanta sa buhay naming lahat.

Ginawa ko ang lahat para lang maramdaman niyang ligtas siya. Hindi ko siya iniwan. Nilibang ko siya upang makalimutan niya ang lahat.

Natutuwa naman ako at kahit paano ay nagagawa ko siyang pangitiin.

Isang beses may nasabi siya sa akin na hinding-hindi ko makalimutan.

" Huwag na huwag mo akong iiwan. Ikaw lang ang pinagkakatiwalaan ko dito. "

Napangiti ako sa sinabi niyang iyon. Pakiramdam ko naka hanap ako ng isang totoong kaibigan.

Kaya naman pinanghawakan ko ng mabuti ang pagkakaibigan namin. Ibinigay ko sa kanya ng buo ang pagtitiwala ko. Ganun rin naman siya sa akin.

Kaya naman ipinangako ko sa sarili ko na hinding-hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa kanya.

Habang nasa tabi ko siya pakiramdam niya maayos ang lahat. Na ako ang kaibigan niyang handang gawin ang lahat at kailan man ay di siya pababayaan.

Ako yung tipo ng tao na hindi madaling magtiwala. Kinikilatis ko ng mabuti ang mga tao sa paligid ko bago ako makisama sa kanila. Kaya kadalasan iniisip nila na masungit akong tao. Natatakot tuloy silang kaibiganin ako.

Kaya naman ganun na lang ang pagpapahalaga ko kay Janna, dahil sa kanya nakita ko ang isang tunay na pagkakaibigan.

---

Habang masayang nakikipag kwentuhan si Janna sa iba naming kaklase ay nagpaalam muna ako para bumili ng maiinom sa canteen.

Hinayaan ko muna siya tutal kasama naman niya ang kanyang kapatid na si Janrry.

LA VENDETTATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon