COOKING CONTEST

36 1 3
                                    

Matapos ang pagkamatay ni Andrea ay napanatag na ang lahat sa pagkakahuli kay Christine.

Idinidiin ng marami na siya mismo ang nasa likod ng mga pagpatay dahil lang sa nakita nila ito sa lugar kung saan namatay si Andrea.

Ngunit dahil kulang sa ebidensya ay patuloy pa rin ang imbestigasyon.

Isang buwan ang limipas at muling nagbalik ang kaayusan sa school.

Ipinagdiriwang ng buong eskwelahan sa buwan na ito ang "Nutrition Month".

Kaya naman abala ang lahat para sa mga iba't-ibang aktibidad sa school.

Karamihan ng section 4B ay sumali sa paligsahan sa paggawa ng "JingLe".

Isang buwang pinaghandaan ng lahat ang kanilang mga presentasyon bago ang mismong araw ng kompetisyon.

AngeL's POV

Hindi naman sapilitan yung pagsali sa Jingle, kaya naman hindi ako sumali.

Hindi naman sa ayaw ko ang pagkanta at pagsayaw. Sa totoo nga lang gustong-gusto ko ang mga yan. Pero sadyang hindi lang talaga ako marunong.

Naging busy ang mga kaklase ko sa pagbuo ng kanilang performance. Maaga silang pumapasok para magkita-kita sa school at magensayo. Pati nga weekends nageensayo sila sa tapat ng school.

Hindi naman ako nakakaramdam ng inggit, pero hindi ko maikakaila na napagiiwanan na ako ng mga kaklase ko.

Nagkakakilala na kasi sila, kayo ba naman tong araw-araw na nageensayo, syempre makikilala nila ang bawat isa.

Samantalang ako hindi ko magawang makihalubilo at makipagkilala sa kanilang lahat.

Bago ang araw ng selebrasyon, inaya ako ni Christian na sumali sa isang kompetisyon.

Isang Cooking Contest ang inalok nya sa akin.

Pareho kami ni Christian na hindi sumali sa Jingle, hindi rin daw kasi siya marunong kumanta at sumayaw. Kaya naman mas minabuti na lang niya na sumali sa ibang paligsahan.

Di hamak naman na may mas alam ako sa pagluluto kesa sa pagkanta at pagsayaw, kaya naman tinanggap ko ang alok sa akin ni Christian.

Isa pa may kalakip na grade ang pagsali namin kaya malaking tulong din kung tutuusin.

Kami ang nagrepresenta sa section 4B. Tuwang-tuwa naman sa amin ang mga kaklase namin ng malaman nila na sasali kami sa Cooking Contest.

Manunuod daw sila sa amin para sumuporta. Magandang ideya yun, tutal panghuli pa naman ang Jingle Competiton kaya may oras pa sila para bigyan kami ng lakas ng loob ni Christian.

Agad kaming nagisip ni Christian ng aming lulutuin para bukas. Nahirapan kami sa pagiisip dahil karamihan ng naiisip namin ay mukhang naisip na rin ng mga makakalaban namin.

Kaya naman humingi kami ng payo sa mga kaklase namin at pati na rin kay Ms. Quijada.

Nang makapag desisyon sa aming putahe ay sinubukan naming lutuin ito sa bahay nila Christian.

Ngunit bago iyon ay namili muna kami ng mga sangkap na aming kakailanganin sa pagluluto.

Hindi ganon kalaki ang budget ko para sa mga sangkap kaya naman si Christian na ang sumagot ng halos lahat ng aming pinamili.

May trabaho kasi siya kaya naman may sarili siyang pera para sa kanyang mga gastusin sa araw-araw.

Sa bahay nila ay naroon ang kanyang ina at tatlong kapatid.

LA VENDETTATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon