COURAGE

5 0 1
                                    

Kate's POV

Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang galit sakin ni Marynelle. Pero hinding-hindi ako magpapatinag at magpapaapekto sa mga ginagawa niya sa akin.

Minsan ko na rin naranasan ang pagkaisahan at walang sinuman ang nagtangkang tumulong sa akin.

Kaya naman alam ko sa sarili ko na kahit magisa ay kakayanin ko ang kahit na sinong mananakit sa akin, physical man o emosyonal.

4 na buwan na ang nakakalipas simula ng umalis at magtransfer ako mula sa El Woods.

Ang buong akala ko magiging masaya ang paglipat ko ng ibang school. Pero mukhang mas malala ang sitwasyon ko ngayon.

Sa tuwing tinatanong ako ng mga tao kung bakit ako lumipat ng school madalas kong sinasabi sa kanila na dahil sa napaka layo ng El Woods mula sa bahay namin kung kaya ako napilitang lumipat.

Ngunit hindi ito ang tunay na dahilan ng aking paglipat.

Ang buong katotohanan ay biktima ako ng pang bubully ng mga kapwa ko magaaral.

Hindi naging madali para sa akin ang unang taon ko sa high school.

Iss akong nerd sa paningin ng marami. Hindi ko alam kung bakit tila nang didiri sila sa akin.

Madalas nila akong pinagtatawanan at pinaguusapan sa tuwing madadaan ako sa harap ng mga estudyante ng school.

Minsan pa nga isang lalaki ang lumapit sa akin upang kausapin ako. Napansin niya kasi na tila naliligaw ako at hindi ko mahanap ang classroom ko.

Natuwa ako kasi tinulungan niya akong hanapin ang kung nasaan ang classroom ko. Sinamahan pa niya ako papunta dito.

Nang nasa harapan na kami ng pinto ay nagpasalamat ako sa kanya at nagpaalam.

Ngunit ng buksan ko ang pintuan ay isang napaka duming C.R. pala ang nasa loob.

Matapos kong buksan at makita ang loob ng C.R. ay itinulak ako papasok ng lalaking pinagkatiwalaan ko.

Sa sobrang lakas ng pagkakatulak niya sa akin ay sumubsub ako sa napaka duming sahig. Tumaob pa sa akin ang isang timba na may lamang maduming tubig matapos ko itong mabunggo.

Marami ang naka saksi nang pangyayaring iyon. Lahat sila nagtatawanan at pinaguusapan ako.

Wala man lang tumulong sa akin nang mga oras na iyon. Hiyang-hiya ako. Wala akong nagawa kundi ang umiyak na lamang.

Ultimo mga guro ay hindi man lang sinita ang ginawa sa akin ng mga magaaral ng school.

Karamihan kasi ng nagaaral doon ay anak mayaman kung kaya ganon na lang ang trato nila sa mga ito. Special treatment kung tawagin.

Pinagkakakitaan kasi nila kaya bakit nga naman nila gagawing priority ang isanh tulad ko na nakapasok lang sa school nila ng dahil lang sa scholarship.

Kumalat sa buong campus ang nangyari sa akin. Isang video pa nga ang kumalat kung paano ako itinulak at napahiya sa harap ng maraming tao.

Yun ang pinaka unang pang bubully na naranasan ko sa school na iyon. Matapos nun ay sunod-sunod na pang bubully pa ang naranasan ko.

Ang tingin nila sa akin ay isang lampa at napaka hinang estudyante. Kaya naman malakas ang loob nilang kayan-kayanin ako.

Walang sino man ang gustong makipag kaibigan sa akin, sa takot na baka madamay sila at mapagbalingan rin ng atensyon ng mga bully.

Kaya naman tatlong taon akong magisa sa school. Malungkot mang isipin pero kinaya ko.

Kaya nung makaalis ako sa school na iyon, laking tuwa ko talaga. Makakapag simula ulit ako. Magiging maayos na ang lahat para sa akin.

LA VENDETTATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon