CONCLUSIONS

42 1 2
                                    

Hindi pa rin makumpirma kung sino ang pumapatay at kung ano ang dahilan nito sa pagpatay.

Sa nasabing storya, sinasabi ng mga estudyante na nakita ang kahon matapos ang klase ng 3rd year students.

Kaya naman minabuting tanungin ng mga pulis ang mga pang umaga na nagklase sa parehong silid kung saan nakita ang mga cupcakes.

Ngunit ni isa sa mga ito ay walang nalalaman sa tinutukoy ng mga pulis.

Ang kwento ng mga bata ay wala naman silang napansin na kahon matapos ang kanilang klase.

Ibig sabihin lumitaw ang kahon nang magdatingan ang mga 4th year student.

Suspetsa ng mga pulis, kapwa kaklase rin nila ang nasa likod ng patayang nagaganap sa kanilang klase.

Ngunit para hindi matakot ang mga estudyante ay minabuting ilihim na lang muna ng mga pulis ito sa mga magaaral.

Dahil sa umiikot lang ang pinapatay sa section 4B, nakipag usap ang mga pulis kay Ms. Quijada na makipag tulungan upang hulihin ang gumagawa ng krimen sa kanilang klase.

Ipinakiusap ng mga pulis na ipagpatuloy ang pagpasok ng mga estudyante sa kabila ng patayang nagaganap. Sa ganitong paraan mas madali nilang matutukoy ang kriminal.

Naglagay ng mga camera ang mga pulis sa buong silid ng di nalalaman ng mga magaaral. Makakatulong ang mga ito sa pagiimbistiga ng mga pulis sa kaso.

---

Isang araw matapos ang krimen ay muling ibinalik ang klase.

Ngunit kakaunti lang ang nagsipasok. Dala na rin siguro ng takot.

Nagusap-usap ang mga magkakaklase tungkol sa mga pangyayaring nagaganap sa kanilang klase.

" Hindi ba kayo natatakot? " wika ni Aubrey...

" Syempre natatakot kami. Malay ba natin kung sino yung killer na yan. " sagot ni Stela...

" At tsaka bakit tayo ang pinupuntirya niya? Anong pakay niya? " tanong ni Trixia...

" Walang sino man ang may alam niyan. Sa ngayon ang mabuti nating gawin ay ang magingat. " wika ni Ryan...

Hanggang sa lumalim pa nang husto ang usapan ng mga magaaral.

" Sa tingin ko kaklase rin natin ang gumagawa ng mga ito. " Wika ni Jayson...

Sumang-ayon naman ang iba sa sinabi ng binata. Ang iba naman ay natakot.

" Bakit mo naman nasabi yan? Imposibleng gawin ng kapwa kaklase natin yun sa atin. " wika ni Pauline...

LA VENDETTATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon