CLASS OFFICERS

75 2 0
                                    

Nagkita-kita sina Ghaby at mga kaibigan niya sa canteen bago pumasok. Paguusapan nila ang tungkol sa magaganap na botohan para sa araw na iyon.

Sa canteen ay naroon din sina Marynelle at Khaira. Napansin ng dalawa ang grupo nila Ghaby. Nilapitan nila ito upang makipagkilala at makipagusap.

" Mukhang iisa ang pakay natin kung bakit tayo pumasok ng maaga ha? " bungad ni Marynelle....

Napatingin sina Ghaby kina Marynelle. Napangiti si Ghaby sa sinabi ng kaklase.

" Alam mo gusto kita. Parehas tayo ng iniisip. " biro ni Ghaby...

Inimbita ni Ghaby ang dalawa upang maupo kasama nila. Pinagusapan ng mga estudyante ang kani-kanilang plano para sa botohan.

" Sa tingin ko magiging maganda kung ikaw ang magiging president ng klase. " sabi ni Marynelle...

" Bakit ako? " gulat na sinabi ni Ghaby....

" Matured ka kasing magisip, kumpara mo sa iba nating kaklase. "

" Ngayon mo lang naman ako nakilala, pano mo nasasabi ang mga yan? "

Nangiwi si Marynelle sa sinabi ni Ghaby.

" Matagal na kitang minamatsagan Ghaby. "

Biglang naging seryoso ang mukha ni Ghaby sa kanyang narinig.

" Anong ibig mong sabihin? "

" Hindi ba isa ka sa mga naging student council ng school? Naging maanghang ang pangalan mo sa buong paaralan natin nung second year tayo. Naaalala mo pa ba? "

Natahimik ang mga kasamahan nila sa naging usapan ng dalawa. Tila interesado ang bawat isa na marinig ang kwento ng magkabilang kampo.

" Hindi ba isa ka sa mga naging witness sa pagpatay sa isang estudyante dito. At isa ka sa mga nagturo kung sino ang pumatay sa kaawa-awang 1st year student? "

" Oo ako nga, ano naman sayo kung isa ako dun? "

" Isa kang magandang modelo para sa mga kaklase natin. Matapang mong itinuro ang suspect sa pagpatay. At napaka totoo mo sa sarili mo, mga bagay na dapat taglay ng isang magaling na officer. Bakit nga ba nagbitiw ka sa pagiging council mo matapos ang insidenteng iyon? Hindi ba dapat mas pinanindigan mo pa iyon, dahil sa napatunayan mo sa sarili mo at sa lahat na isa kang marangal na tao. "

Tila nagiba ang ihip ng hangin dahil sa usapan ng dalawa. Tahimik pa rin nakikinig ang mga kaibigan nila sa usapan.

" Matapos yun, nagbitiw ako sa student council dahil napagtanto ko na hindi ko pala kayang pasanin yung mga ganong responsibilidad. Masyado akong natakot na baka maulit ang ganong insidente dito sa school. Ayoko nang madamay ulit sa mga ganong pangyayari. "

" Ahh! Kaya pala? Alam mo ba na pagkatapos nun, naging interesado ako sayo. Kaya naman alam ko kung ano ang sinasabi ko, na karapat dapat kang maging president ng klase. Kasi through those experience, sa tingin ko kayang-kaya mong pamunuan ang buong klase natin. Right guys? "

Walang sino man ang umiimik sa mga nakarinig ng pinagusapan ng dalawa.

" Naku, grabe ka naman. Hindi naman porque may ganong storya eh, dapat mo na akong hangaan kaagad. Im sure mas may ibubuga ka kaysa sa akin. Malay natin mas may abilidad ka kumpara sa akin? "

Bago pa tuluyang uminit ang usapan ng dalawa, agad na gumawa ng paraan ang mga kasamahan upang ibahin ang usapan. Samantalang nangulit naman si Khaira na samahan siya ni Marynelle sa comfort room dahil naiihi na ito. Nagpaalam sina Khaira at Marynelle sa grupo nila Ghaby bago umalis.

LA VENDETTATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon