THE VISITING

56 2 0
                                    

Maaga pa lang ay nasa simbahan na sina Pauline at Aloha. Nagreserba sila ng mauupuan para sa kanilang mga kaibigan.

Napaka dami ng tao nang araw na iyon, halos mapuno ang buong simbahan. Karamihan ng mga nagsisimba ay mga magpapamilya at mga magkakaibigan.

Dumating sina Zack at Jersin, binati ng dalawa ang mga dalaga ng isang magandang umaga.

" Teka? Bakit parang kulang kayo? " tanong ni Aloha...

Tinutukoy ng dalaga kung nasaan si Billy at hindi nila ito kasama.

" Pumunta kami sa bahay niya. Ang sabi sa amin ng nanay niya hindi daw makakasama si Billy. Masama daw ang pakiramdam nito. " paliwanag ni Jersin...

Ilang saglit pa ay nagsimula na ang seremonyas ng simbahan.

Tahimik na nakikinig ang lahat sa pari. Lahat ay taimtim na nagdadasal.

Matapos ang misa ay lumabas na ng simbahan ang apat. Pupunta sila sa isang kainan upang kumain ng lugaw.

Sa kanilang paglabas ng simbahan ay nakita nila ang isang grupo ng kanilang mga kaklase.

Tinawag ni Zack ang mga ito at agad naman silang napalingon. Nang makuha ang atensyon ng mga ito ay agad naman silang huminto upang hintayin sina Zack.

" Magandang umaga! " ang pagbati ng bawat isa...

" Akalain mong makikita namin kayo dito? " sabi ni Ghaby...

" Lagi naman kaming nagsisimba ng umaga, nagkataon lang sigurong ngayon lang namin kayo na kita. " tugon ni Aloha...

Samantalang napansin naman ni Ryan at Janrry na hindi kasama ng mga ito si Billy.

Gaya ng paliwanag nila kina Aloha at Pauline, ikinwento rin nila kung bakit di nila kasama ang binata.

" Eh kahapon ang sigla-sigla pa niya ahh? " sabi ni Janrry...

" Kawawa naman si Billy. " sabi ni Ryan...

" Dadalawin namin siya mamaya pagkatapos namin kumain. Kung gusto niyo sama kayo? " alok ni Jersin...

Sumang-ayon naman ang lahat sa iminungkahi ni Jersin.

Sumama na rin ang grupo nila Ryan kina Zack at sabay-sabay silang kumain ng agahan.

Habang nagkakainan ay ipinakilala nila Ryan at Janrry ang kanilang mga kasama kina Zack.

" Mukhang kilala naman natin ang isa't-isa sa mga mukha, hindi nga lang sa pangalan. Sa araw-araw ba naman nating magkakasama sa school malamang mamumukhaan natin ang isa't-isa. " wika ni Ryan...

" Mas maganda na rin yung nakikilala natin ang bawat isa. Tutal magkakaklase naman tayo. " sabi ni Aubrey...

Habang nagkukwentuhan ang iba ay sandaling nagpaalam sina Irene, Lyka at Rica upang bumili.

Naghanap ng mga prutas ang tatlo, naisip nila na magdala ng pasalubong para kay Billy.

Sa kanilang pamimili, isang tanong ang nasabi ni Irene sa mga kasama.

" Ako lang ba to o sadyang lumalayo na sa atin si Ghaby? "

" Hindi naman ahh? Madalas naman natin siya kasama. Bakit mo naman nasabi yan? " Tanong ni Lyka...

" Alam mo Irene hindi lang ikaw ang nakakaramdam niyan. Simula kasi nung naging class officer siya, mas dumami pa yung mga kaibigan niya. " paliwanag ni Rica..,

LA VENDETTATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon