APOLOGIES

57 3 0
                                    

Pagpasok ni Marynelle sa kanilang classroom, napansin niyang pinagtitinginan siya ng kanyang mga kaklase. Nagbubulungan ang mga ito. Tila pinaguusapan siya ng patalikod.

Nang makaupo siya sa kanyang silya, agad siyang kinausap ni khaira tungkol sa mga nangyayari.

" Alam na ng buong klase natin yung ginawa mo kay Kate. Mukhang ikinwento ng mga nakakita. "

Ngunit hindi umimik si Marynelle. Nakikiramdam lang ito sa kanyang paligid.

Natahimik ang buong klase ng isa sa kanila ang biglang nagsalita ng pagkalakas-lakas na tila nagpaparinig sa kung sino man ang pinatatamaan nito.

" Yan hirap sa mga tao, kapag alam niyang nakakaangat na siya sa nakararami lumalabas ang tunay na kulay. Nagmamatapang at nagmamagaling. Kung bakit ba naman kasi sa dinami-dami ng pwede niyong iboto, yun pang mga di naman karapat dapat ang napili niyo. Kaya sa susunod kilalanin niyong mabuti yang mga yan. Para hindi tayo pare-parehong naaargabyado. " ang sabi ni Rj....

Nagtinginan ang mga magkakaklase. Kanya-kanyang suspetsa ang mga ito kung sino ang pinatatamaan ng binata.

Matapos ay ipinatawag si Marynelle sa faculty ni Ms. Quijada. Nakarating na rin pala sa guro ang nangyari kagabi.

Kinausap nito si Marynelle tungkol sa insidente. Ngunit wala rin napala ang guro sa paguusap nila ng estudyante.

" Ms. Amoresa, hindi na kita pipilitin kung ayaw mong sabihin sa akin ang dahilan kung bakit mo ginawa iyon kay Ms. Sanchez. Ang akin lang gusto ko ayusin mo ito sa mabuting pamamaraan. Ayoko ng gulo sa section ko. Naturingan ka pa namang Presidente ng klase niyo. Tapos ganitong attitude ang ipinapakita mo. Nakakadismaya sa totoo lang. "

Nahiya si Marynelle sa sinabi sa kanya ng guro.

" Hayaan nyo po Ms. Quijada. Aayusin ko po itong gulong ginawa ko. Pangako po. "

Isang pangako ang binitawan ni Marynelle sa kanyang guro.

Sinubukan ni Marynelle na humanap ng pagkakataon upang makausap si Kate. Ngunit lagi itong maraming kasama kung kaya naman ay hindi siya makalapit.

Sa garden ay namamalagi sina Marynelle at Khaira. Dito sila nagpapalipas ng oras kapag break time nila.

Di naman inaasahan na napadaan sina Kate, Angel at Danica sa kinaroroonan nila.

Nang makakuha ng pagkakataon ay agad na nilapitan ni Marynelle sila Kate. Akmang tatakbo pa ang mga ito ngunit nahawakan agad ni Marynelle sa kamay si Kate.

" Teka! Wag ka muna umalis. "

Napatigil sa kanilang kinatatayuan ang tatlo.

" Gusto ko sana humingi ng tawad sa ginawa ko sayo. Naging emosyonal ako nung araw na iyon. Sa totoo lang nadamay ka lang sa init ng ulo ko. "

" Ano bang dahilan ng pagkainit ng ulo mo? " tanong ni Kate...

" Sa pagitan namin ito ni Ghaby, pasensya ka na kung hindi ko maikukwento sayo ang buong detalye. "

" Naku hindi, ayos lang. "

" Ang totoo hindi ko gustong makasama si Ghaby sa class officer. Napagbalingan lang kita kasi ikaw yung nagsali sa amin para maging nominado. Inisip ko na binalak mo ang lahat ng iyon."

" Hala! Hindi ko alam na may alitan kayo. Ang totoo napili ko kayo dahil nakakitaan ko kayo ng putensyal. Hindi ko alam na may tensyon pala sa pagitan niyo. patawad. "

LA VENDETTATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon