THE MANSION

17 1 0
                                    

Gabi na ng magyaya si Ryan na pumunta sa kanilang bahay.

Isinama niya sina Aubrey, Stela, Trixia, Ghaby, Romeo at Janrry.

Kaarawan kasi ng nanay niya kaya naman gusto niyang isama ang mga kaibigan upang maghapunan sa kanilang bahay.

Gusto rin kasi makilala ng nanay ni Ryan ang mga kaibigan nito. Madalas niya kasing naikukwento sa kanyang nanay ang mga ito. Lalo na ang madalas na pamamalagi nila sa bahay nila Aubrey upang maghapunan.

Gustong ibalik ni Ryan ang pabor sa mga kaibigan, kaya naman sa pagkakataong ito ay siya naman ang nagyaya sa kanilang bahay.

Di naman tumanggi ang mga kaibigan at agad na sumama ito sa kanya. Matagal na rin naman kasi nila gustong makapunta kung saan nakatira si Ryan.

Sa waiting shed ay nadaanan nila si Pauline. Magisa lang ito at tila may hinihintay.

Tinawag nila ito at agad namang napalingon sa kanila ang dalaga.

" Gabi na Pauline ahh. Bakit di ka pa umuuwi? " tanong ni Ryan...

" Oo nga, hindi ka ba natatakot? Alam mo namang delikado tayong nagiisa diba, lalo na sa gabi. "  dagdag pa ni Aubrey...

Ipinaliwanag ng dalaga kung bakit hindi pa siya umuuwi.

" Kanina ko pa kasi hinihintay si Nikol at Paul. Sila kasi ang kasabay ko pauwi. "

" Huh? Eh diba madalas si Aloha ang kasama mo pagumuuwi? " tanong ni Janrry...

" Diba nga absent siya? " sagot ni Pauline...

" Pano lutang siya kanina sa attendance. Pangalan niya nga hindi niya alam eh. " sabi ni SteLa...

" Anong pinagsasabi mo? " tanong ni Janrry...

" oh diba? Naka tatlong tawag sayo si Sir kanina pero naka tanga ka lang? Kung di ka pa kinalabit ni Jayson di ka magtataas ng kamay. Tinanong mo pa si Jayson kung ikaw yun. Malamang! May iba pa bang Janrry Vicente sa room? " kwento ni SteLa....

LA VENDETTATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon