PREPARATION

14 0 0
                                    

Ilang linggo ang nakalipas at nagpatuloy pa rin sa pagaaral ang mga kabataan. Kahit ba lingid sa kaalaman nila na nasa panganib ang kanilang mga buhay.

Sa school garden ay tahimik na namamahinga sina Angel, Danica at Kate.

Gaya ng naka gawian dito silang tatlo nagpapalipas ng oras.

" Bakit ba sa kabila ng mga pangyayari at banta ng panganib sa section natin patuloy pa rin tayong bumabalik at nagaaral dito? "  Isang katanungan na bumasag sa katahimikan ng tatlo.

" Bakit mo naman naitanong yan Angel? "  pagtataka ni Danica...

" Alam mo may punto sya Danica. Kung titignan mo karamihan ng ibang section na dissolve na. Yung iba naman nagsilipatan na ng school. Pero tayo nandito pa rin. Tila hinihintay natin ang kamatayan ng bawat isa. "  wika ni Kate...

" Ano bang pinagsasasabi mo? Wag nga kayong ganyan. Hindi tayo mamamatay. Panigurado yung mga kaklase nating pinatay may mga atraso lang sila sa killer. "  sabi ni Danica...

" Ibig mo bang sabihin pinatay lang sila dahil sa may ginawa silang masama dun sa tao? "   tanong ni Angel...

" Ganun na nga! Kaya hindi tayo madadamay jan. Kasi mababait tayong tatlo diba. Hanggat wala tayong naaargabyado o nasasaktan ligtas tayo. "  sabi ni Danica...

" Parang siguradong-sigurado ka jan sa sinasabi mo ah. "  wika ni Kate...

" Oo naman. Haha! "  tugon ni Danica...

Biglang natahimik si Angel. Napaisip siya tungkol sa isa pang katanungan sa kanyang isip.

LA VENDETTATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon