COURT

52 2 0
                                    

Maagang umalis nang bahay si Ryan upang sunduin si Aubrey. 11:30am pa lang ay nasa tapat na siya ng bahay nito. Naupo ang binata sa isang tabi at nagbasa ng libro upang malibang ang kanyang sarili sa paghihihtay sa dalaga.

Ilang saglit lang ay narinig na ng binata ang pagbukas ng pinto ng bahay nila Aubrey. Agad siyang tumayo sa kanyang kinauupuan at nagabang sa paglabas ng dalaga sa gate. Nakangiti niya sinalubong ang dalaga.

" Magandang hapon! " bungad ng binata....

Gulat na gulat naman si Aubrey nang makita si Ryan.

" Oh! Anong ginagawa mo rito? "

" Ano pa ba? Di sinusundo ka. " palabirong sagot ng binata...

" Ano? Sabay na tayo? " tanong ng binata...

" May magagawa pa ba ko? Nandito ka na eh! " Tugon ng dalaga....

At sabay ngang naglakad ang dalawa papasok ng paaralan. Sa kanilang paglalakad ay pilit na kinikuha ni Ryan ang bag ni Aubrey. Gusto nang binata na sya na ang magdala nito upang hindi mahirapan ang dalaga sa pagbitbit ng kanyang gamit. Sa sobrang kakulitan ng binata ay ibinigay na lang ng dalaga ang kanyang bag upang manahimik na ito.

Pagdating sa classroom, nagulat ang mga kaibigan nang dalawa nang makita silang magkasabay na pumasok. Inihatid pa ni Ryan sa kanyang upuan si Aubrey saka iniabot ang bag kanyang bag.

" Salamat. " Ang tanging nasabi ng dalaga sa binata....

Nakangiti namang pumunta si Ryan sa kanyang upuan. Nang makaupo siya ay napansin niyang pinagtitinginan siya ng kanyang mga kaibigang lalaki.

" pare ano yon'? " tanong ni Janrry...

Ngunit wala silang narinig mula kay Ryan. Bagkus ay nginitian lang sila nito.

Sa gitna nang pagtuturo ng kanilang guro. Mababatid na si Ryan ay nakatulala at wala sa kanyang sarili. Nakatitig ito sa labas ng bintana at tila may malalim na iniisip.

Laking gulat niya ng tawagin siya ni Ms. Quijada. Hindi niya alam ang dahilan kung bakit siya biglang tinwag nang guro. Sa sobrang gulat ay napatayo ito sa kanyang upuan.

" Ma'am im sorry. " sagot ng binata...

" Mr. Severino, hindi ko hinihingi ang sorry mo. Pinapakuha ko sayo yung extra chalks ko sa faculty. Are you with us Mr. Severino? "

Nagtawanan nang malakas ang buong klase sa sinabi ni Ryan.

Agad namang pumunta sa faculty room si Ryan para kunin ang mga chalk na inutos ng kanyang guro. Nang makuha ang mga chalk ay sumaglit si Ryan sa comfort room para umihi. Pumasok siya sa loob ng isang cubicle. Sa gitna ng kanyang pagihi, napansin nya ang isang anino ng tao na nakatayo sa labas ng pinto ng cubicle kung saan siya naroon. Nakatayo lang ito at tila hinihintay ang kanyang paglabas.

Bago pa man matapos si Ryan ay bigla nalang nawala ang tao. Nang makalabas ng cubicle si Ryan ay nagpalingon-lingon ito sa kanyang paligid, tila hinahanap niya kung may tao sa loob ng comfort room maliban sa kanya.

Isang janitor ang pumasok sa comfort room upang maglinis. Tinanong ni Ryan ang janitor kung may napansin itong lumabas sa comfort room. Ngunit walang nakita ang janitor.

Nang makabalik sa klase ay agad niyang iniabot ang chalk sa guro at bumalik sa kanyang upuan. Iniisip pa rin ni Ryan kung sino ang taong kanyang nakita sa comfort room at kung bakit ito nagtagal sa kanyang kinatatayuan.

Pagdating nang break ay niyaya si Ryan ng kanyang mga kaibigan na pumunta sa gym upang maglaro ng basketball. Ngunit hindi siya sumama sa mga ito.

Nagpasyang pumunta ng canteen si Ryan kasama ang kanyang matalik na kaibigang si Jayson upang kumain. Sa kanilang paglalakad, naikwento ni Ryan ang nangyari sa kanya kay Jayson.

LA VENDETTATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon