RETURN

10 0 0
                                    

Isang linggo matapos ang libing ni Paul ay muling nagbalik sa eskwelahan si Ms. Quijada, matapos niyang mabalitaan ang pagkamatay ng isa nanaman sa kanyang mga estudyante.

Walang reaksyon ang kanyang mga estudyante ng makita siyang nagbalik, dala na rin siguro ng sitwasyong nagaganap pa rin sa loob ng school.

Matapos ang kanyang pagtuturo ay pinag miryenda muna ng guro ang kanyang mga magaaral.

Lumapit sa kanya ang dalawa sa kanyang mga estudyante na sina Ghaby at Romeo.

Kinausap siya ng mga ito tungkol sa pangyayaring paulit-ulit na nangyayari sa kanila.

Itinanong ng dalawa sa guro kung ano nga ba ang buong storya ng pagkawala nito ng matagal.

Ngunit tumanggi ang guro na pagusapan ito sa loob ng classroom. Inimbitahan ng guro ang dalawa na sumama sa kanyang bahay upang doon ay pagusapan ang kanilang nais malaman.

---

Matapos ang klase ay naghintay sina Ghaby at Romeo sa labas ng school. Doon ay inabangan nila ang paglabas ni Ms. Quejada.

Ilang sandali lang ay lumabas na rin ang guro. Nagmamadali ito sa paglalakad. Dali-dali niyang hinablot ang dalawa at sumakay ng tricycle.

Nagtataka ang dalawa sa biglang ikinilos ng kanilang guro. Tila may tinatakasan o iniiwasan ito na kanyang kinatatakutan.

Nang makarating sa bahay ay nagpahinga muna sila. Inalok ng guro ang kanyang mga panauhin na doon na rin maghapunan.

Naghanda ng makakain ang guro habang kampante namang namamahinga at naguusap ang dalawa sa sala.

Nang handa na ang hapunan ay sama-samang kumain ang tatlo.

Magisa lang si Ms. Quejada sa bahay dahil nasa trabaho ang kanyang asawa nang gabing iyon.

Habang kumakain ay inumpisahan na ng guro ang pagkukwento sa dalawa. Tahimik na nakikinig ang dalawa sa storya ng guro.

Naikwento ng guro sa dalawa kung paano pinatay sa kanyang harapan sina Jersin at Zack.

" ibig sabihin nakita niyo po kung sino ang pumatay sa kanila? "  tanong ni Ghaby...

" Oo, pero hindi ko nakita ang kanyang mukha. "  tugon ng guro...

" Pano nangyaring hindi niyo nakita? "  tanong ni Romeo...

Inilarawan ng guro ang itsura ng killer.

" Naka suot ito ng itim na toga, yung ginagamit ng mga college graduate students. Hindi mo maaaninag ang kanyang mukha dahil sa puting maskara nito. "  paliwanag ng guro...

Nagulat ang dalawa sa kanilang narinig. Parehong-pareho ang pagkakalarawan ng guro sa killer mula sa pagkakakwento ni Nikol sa kanyang nakita ng gabing pinatay si Paul.

LA VENDETTATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon