TREE OF DEATH

25 1 2
                                    

Ms. Quejada's POV

Matapos ang sunod-sunod na pagkamatay ng aking mga estudyante ay lalo akong natakot para sa iba ko pang mga magaaral.

Naiinis na ako sa sobrang bagal ng pagusad ng kaso at hanggang ngayon ay hindi pa matukoy kung sino ang nasa likod ng mga pagpatay.

Kaya naman humingi na akong ng tulong sa isang Detective.

Inilapit ko ang kaso sa school kay Detective Albie Espinosa. Inilahad ko sa kanya ang lahat ng mga pangyayari.

Tinanggap naman ni Detective Espinosa ang kaso upang lutasin ito.

Sinamahan ko ang Detective upang magimbestiga sa school. Dinala ko siya sa mga lugar kung saan naganap ang mga pagpatay.

Pumunta rin kami sa pulisya upang humingi ng impormasyon na makakatulong sa amin sa pagiimbestiga.

Doon ay nakakuha kami ng mga ebidensyang naitago ng mga pulis gaya ng cellphone ni Billy at ang mga cupcakes.

Humingi rin kami ng kopya ng resulta sa naging autopsy ng bawat estudyanteng pinatay.

Lahat ng ito ay inipon namin para makatulong sa paglutas ng kaso.

Pagkatapos kong matulungan si Detective Espinosa ay pinaubaya ko na ang lahat sa kanya.

Gaya ng dati kong kinagawian, maaga akong gumigising upang pumasok at magturo sa school.

Nakakapanibago dahil ang dating school na punong-puno ng mga estudyante, ngayon ay mangilan-ngilan na lamang ang natira.

Madami sa mga estudyante ang nagdrop-out na. Karamihan naman ay lumipat na ng school. Ang iba naman ay napilitang manatili dito, dahil sa ito na ang pinaka murang school dito sa aming lugar.

Ngunit kahit kakaunti na lamang ang aking tinuturuan ay masaya pa rin naman ako sa aking ginagawa.

Kahit ba alam kong maaari akong madamay sa mga pagpatay na nangyayari sa school. At malagay sa panganib ang aking buhay.

Ito na kasi ang kinasanayan kong buhay. Masaya akong kasama ang mga bata habang tinuturuan ko ang mga ito. Ihinahanda ko sila para sa kanilang kinabukasan.

Ngunit pano ko gagampanan ang aking pagiging isang guro, kung ang buhay ng mga batang aking pinangangalagaan ay alam kong nasa panganib.

Bilang pangalawang ina ng mga magaaral ko ay responsibilidad ko rin ang siguraduhin ang kanilang kaligtasan.

Ngunit wala akong nagawa para kina Rjay, Vince, Andrea at Christian.

Pakiramdam ko wala akong silbi. Hindi ko man lang naipagtanggol at nailigtas ang aking mga magaaral.

Wala akong nagawa kundi ang umiyak at titigan na lamang ang kanilang malalamig na bangkay.

Sa klase hindi ko maiwasan ang matulala kapag nakikita ko ang aking mga magaaral.

Naaalala ko ang mga panahon noong kumpleto pa at masayang nagtatawanan ang lahat.

Minsan nahuhuli ako ng mga magaaral ko na nakatingin sa malayo at tila may malalim na iniisip. Sinasabi ko na lang sa kanila na ayos lang ako, kahit sa loob ko ay may mabigat akong dinadala dito sa aking dibdib.

Gaya ng mga magaaral ko ay sinusubukan ko rin namang kalimutan na ang lahat at muling ibalik sa normal ang lahat.

Ngunit kapag naiisip ko ang posibilidad na isang araw ay maulit muli ang mamatayan ako ng isa pang magaaral ay di ko lubos maisip ang aking gagawin.

Siguro hindi ako matatahimik hanggat alam ko na hindi pa nahuhuli ang salarin at malaya itong nakakagalaw dito sa loob ng aming paaralan.

---

LA VENDETTATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon