SECTION 4-B

73 1 0
                                    

Muli nanamang maguumpisa ang klase sa La Trinidad High School.

Kaya naman abala ang bawat estudyante para sa kanilang pagpasok sa paaralan

6:00am pa lamang ay nagdadagsaan na ang mga estudyante sa eskwelahan upang hanapin ang mga kanya-kanyang classrooms.
Mga bago at naggagandahang gamit ang mapapansin sa mga estudyante.
Napaka gandang panimula para sa lahat ng mga magaaral ng LTHS ang araw na iyon.

Samantala....
Nagsisisigaw si Jenny habang kinakatok ang kwarto ng kanyang anak na si Aubrey.
Ginigising niya ang kanyang anak dahil pasado alas-sais na ay tulog pa rin ito.

Pinagbuksan agad ni Aubrey ng pinto ang kanyang ina ng siya ay magising.
Katwiran ng dalaga, unang araw pa lang naman daw nang pasukan kung kaya't ayos lang daw ang mahuli sa klase.

Ipinaghanda si Aubrey ng kanyang ina ng agahan, habang siya naman ay naghahanda na ng kanyang sarili para sa pagpasok. Nang matapos kumain ay agad na lumabas ng bahay si Aubrey at tuluyan nang umalis para pumasok. Nilalakad lang niya ang school dahil di naman ito kalayuan mula sa kanilang bahay.

Si Aubrey ay nasa 4th year high school na, kung kaya't ngayong taon ay mas pagbubutihin pa nya ang kanyang pagaaral, upang sa kanyang pagtuntong ng kolehiyo ay makakuha sya ng magandang kurso at paaralang kanyang mapapasukan.

Sa gitna ng kanyang paglalakad, natanaw niya di kalayuan ang kanyang dalawang kaibigan na naging kaklase nya rin nang mga nakaraang taon. Papasok na rin ang dalawa sa paaralan.

Ginulat ni Aubrey ang dalawa mula sa likuran. Napasigaw sina Trixia at Stela, hindi dahil sa takot kundi dahil sa tuwa ng makita nila ang kanilang kaibigan. Magkakasamang naglakad ang tatlo habang maingay na nagkukwentuhan sa daan.

Nang makarating sa paaralan ay agad na hinanap ng tatlo ang kanilang section. Umaasa ang tatlo na magkakasama pa rin sila sa iisang klase. Sa dami ng tao ay nahirapan sila sa paghahanap, idagdag mo pa ang pakikipag kamustahan nila sa kanilang mga kakilala kung kaya't mas lalo pa silang natagalan sa paghahanap.

Pasado alas-syete na nang mahanap nila ang kanilang classroom. Naka paskil sa pintuan ang listahan ng mga magaaral na magkakasama sa iisang section.

Laking tuwa ng tatlo ng malamang nasa iisa pa rin silang klase. Ngunit masyado silang napa aga dahil pang hapon pa pala ang kanilang pasok.

Nagpasya ang magkakaibigan na pumunta na lang muna sa bahay nila Aubrey upang doon ay magpalipas ng oras. Alas-dose ng tanghali ang simula ng kanilang klase hanggang alas-syete ng gabi.

Bago magalas-dose ay muling bumalik ang magkakaibigan sa paaralan. Nilakad lang nila ito kahit napaka init ng panahon.

Nang makarating sila sa classroom ay halos wala nang maupuan dahil sa dami ng kanilang mga kaklase. Naupo sila sa pinaka likuran ng klase. Napansin nila na karamihan sa mga nakaupo ay naging kaklase na rin nila nang mga nakaraang taon.

Kanya-kanyang gawain ang bawat isa habang hinihintay ang pagdating ng kanilang guro. May mga naguusap, naghahabulan, kumakanta, nagsusulat ng kung ano-ano sa board, mga labas-pasok sa room at syempre di mawawala yung mga natutulog sa kanilang upuan dahil puyat at di pa nakakapag adjust mula sa mahaba-habang summer vacation.

Ilang saglit pa ay isang kaklase nila ang kumakaripas ng takbo papunta sa kanyang upuan habang sumisigaw ng " paparating na si ma'am " nang paulit-ulit.
Agad namang nagsibalikan ang mga estudyante sa kanilang mga upuan.

Dinatnan ni Ms. Quijada ang kanyang mga estudyante nang nakaupo ng maayos at tahimik na naghihintay sa kanilang mga upuan. Nang mailapag ang kanyang mga gamit ay agad na nagpakilala ang guro sa kanyang mga magaaral.

LA VENDETTATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon