TEXT MESSAGE

10 0 0
                                    

Nabalitaan ng buong section ang nangyari sa kanilang kaklase.

As usual usap-usapan nanaman ng lahat ito sa loob ng klase.

Hindi pumasok sila Pauline at Nikol dahil sa nagluluksa pa ang mga ito sa pagkamatay ni Paul.

Sa court ay nagpapahinga ang mga kalalalihan mula sa paglalaro ng basketball.

" Ano daw bang nangyari? " tanong ni Jayson...

" Hindi rin namin alam. Si Nikol daw ang nakakaalam ng buong pangyayari eh. " sagot ni Jed...

Lingid sa kaalaman ng lahat na hindi pumasok si Nikol.

" Nabawasan nanaman tayo. Sino naman kaya ang susunod sa atin? " tanong ni Gilson...

" Malay niyo si Kate na ang susunod haha! " biro ni Jed...

At nagtawanan ang lahat...

Sa classroom naman ay kinukulit nilang lahat si Aloha tungkol sa nalalaman nito.

" Sabihin mo na kasi kung ano yung nalalaman mo. Magkwento ka naman sa amin. " sabi ni Janrry...

" Wala nga akong alam. Basta dinatnan na lang namin si Nikol na wala ss kanyang sarili tapos patay na si Paul. Yun lang, wala ng iba. " Naiiritang sagot ng Dalaga...

" Wala sa sarili? " tanong ni Aubrey...

" Eh baka naman si Nikol ang pumatay kay Paul? " tanong ni Janrry...

" Alam niyo wag ako ang kausapin niyo tungkol jan. Kung talagang gusto niyong alamin kung ano ang buong pangyayari si Nikol ang kausapin niyo tungkol jan. " sabi ni Aloha...

" Pero hindi namin alam kung saan sila nakatira. " sabi ni Janrry...

LA VENDETTATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon