nine

18 0 0
                                    

-3rd Party's Point of View-

Akap - Nine

Biglang nagising and diwa ni Charlie ng marinig ang boses ni Zach. Gustuhin man nyang tumalon ay hindi naman pwede. Basta masaya sya na marinig ulit ang boses ni Zach.May two weeks na din halos ilang hindi naguusap. Hindi naman sa nakalimutan na nya ito dahil madalang nalang sya magcheck ng phone. Nawalan na kasi sya halos ng interes sa phone nya, sa tagal na hindi rin sila naguusap ni Zach.

"Hello, baby.." isinubsob nya ang mukha sa yakap nyang unan. "Miss na kita, baby." Paglalambing nya.

"Miss na din kita baby. Marami akong inaasikasong papeles dito pati na rin sa business ni Mom. Sorry baby kung ngayon lang ako nakatawag."

Alam ni Zach na hindi ugali ni  Charlie ang magtanong kung bakit sya hindi napatawag ng time. Wala syang reklamo sa oras. Malaya si Zach sa oras na hawak nya. Hindi naman nya ito inaabuso dahil alam nyang kaya lang naman ganito si Charlie ay dahil na rin sa buo ang tiwala na ibinibigay nito sa kanya.

"Naiintindihan ko baby, ang importante safe ka dahil nakakausap kita ngayon, diba?" sa totoo lang naman ay nakararamdam ng tampo si Charlie kay Zach sa panahong gaya nito na matagal din naman syang naghintay sa oras nito.

She's jealous. She's kind. She's caring. She's loving, thoughtful, and sweet. She's all he got. He wishes no more after her. Ang hirap nyang pakawalan dahil kuntento na sya dito. Kahit pa matampuhin ito at minsan ay parang bata. Mas lalo pa nya itong minahal ng hindi nya alam.

"Oo naman. Nagiingat ako palagi para sayo, baby."

Kung alam mo lang kung gano ako kasabik na matapos ang trabaho ko para makausap kita ng matagal ulit..

"Hmm.. Talaga?" Gustong kiligin ni Charlie. Alam naman yung ni Zach kahit nasa kabilang linya ito.

"Oo naman baby." May ilang segundo rin syang hindi nakapag salita. Malalim ang iniisip. Nanatili naman sa pakikinig si Charlie. "Baby.."

Sana madali lang ang magpaliwanag sayo baby. Pero hindi. Alam ko kasing hindi mo magugustuhan ang sasabihin ko.

"..baka ma-extend pa ako dito. Kailangan kasi ako ni Mom sa business. May mga meeting sya na dapat puntahan out of town. That's why.." malungkot na sabi ni Zach.

Charlie had a strange tightening on her chest. Ayaw nya ng ganitong balita. Kinukontrol na nya ang pagiging matampuhin over him. Hindi sya pwedeng tumutol coz his time is for business' sake and his Mom needs him too. Miss na miss na nya ito. Last summer sya huling umuwi for two weeks na halos dumaan lang din. That was five months ago at hindi nya maiwasan talaga ang magtampo.

"P..pano na yan baby.." si Chalie sa unti unting humihina nyang boses. "..hindi kana makakauwi nyan.." malungkot na sabi nito.

"Hindi ko na din sigurado baby. Next two weeks busy kasi ako sa business ni Mom.I had no choice. Natapat sa vacation ko ang meeting ni Mom."

"Ganun ba"

"Baby..."

"Yaan mo na baby. May next time pa naman diba?" biglang sumaya ang tono ni Charlie. He loves her way of letting him know she's ever a positive girl.

"Oo naman baby." Sumaya na din ang boses ni Zach MAtagl na silang di nakakpagusap kaya na-miss nya talaga ito.

"Sige na baby. Tulog na po tayo ha? Antok na din po kasi ako."

"Pero baby.."

"And you also need to sleep na din ok?" paninigurado ni Charlie. Wrong timing nga naman ang pagtawag ni Zach sa oras ng gabi na may pasok pa kinabukasan si Charlie.

-Bakit ganun, akala ko pa naman gusto nya akong makausap ng matagal ngayon pero bakit parang ayaw nya?-

"Sige na nga.." Iniisip ya na baka makakuha pa sya ng time para makausap pa ito ng matagal. "Ah! Baby, remember Pocchaco? Nakakita ako ng stuff toy nun dito."

"May pasok pa ako mamaya baby.." inaantok na sabi ni Charlie na naghikab pa na sapat para marinig ni Zach.

"Tsk.."

"Sige na. Pareho naman ang oras natin diba?"

"Opo naman baby. Pero kasi..."

"Sige na. Call me this weekend. Ayaw din kita ma-diturb baby. You'll gonna have my time this weekend."

"Pero baby gus--"

"Sige na baby. Basta lagi kang magiingat ha?"

"Opo baby. May gus---"

"Good night baby.."

"Baby naman.."

"God bless you always baby."

"You too baby. Goodnight. Mahal na mahal kita baby."

"Mahal na mahal din kita baby."

"Basta this weekend ha."

"Yes baby."

"Promise?"

"Opo baby."

***

-Tulog pa siguro sya sa ngayon. Hindi pa kasi sya sumasagot sa text ko. We just had a conversation over the phone last night. Miss ko na naman si Charlie. I couldn't wait for the two weeks to pass. -

-Zach

-***

-zazriel <3

AkapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon