Akap - Fifteen
- Zachary -
Naramdaman ko na may yumakap sa akin mula sa likod. Babae yun sigurado ako dahil sa malambing na kapit nito at sa mga braso nya na pumulupot paikot sa tyan ko.
Ito ang mga braso na matagal ko nang hinintay na yumakap sa akin ulit. Sobrang namiss ko ang mala.kandilang mga daliri nya, ang malambot na palad at ang wrist nya palaging may bracelet na pink. Ang babaeng hanggang sa panaginip ko ay gustong gusto kong makasama.
Nakayakap padin sya sa akin. Hindi naman ako kumikibo. May hinihintay akong boses na magsalita. Pero bakit parang wala? Si Charlie ang pinaka.malambing na babaeng nakilala ko, pangalawa sa Mom ko, mahal na mahal ko sya. Sya yung boses na nagpapakalma kapag nagagalit ako, yung adviser ko kapag gulong gulo ako sa mga nangyayari sa paligid. Sya yung nurse na andyan kapag may sakit ako, yung frustrated chef na trying hard mapaghandaan lang ako ng pagkain. Sya yung babaeng mababaw ang kaligayaan. Sya yung mahal ko na halos paliguan ako ng "I love you" pagkatapos kong bilhan ng kulay pink na Cotton candy.
Yung mahal ko na madaldal, makulit at malambing. Pero bakit hindi ko sya marinig? Bakit parang iba na ang pabango na ngayon? Nagbago na nga ba talaga sya?
Naramdaman kong humigpit ang yakap nya sa akin. Dun ko hinawakan ang kamay nya hanggang nasalat ko ang isang singsing. Kelan pa natutong magsuot ng singsing si Charlie?
Dahan dahan akong umikot paharap sa babaeng nakayakap sa akin ng...
"Hi baby! I miss you so much!" bago pa ako makapag.react sa pagkakita sa kanya ay ipinulupot na nya ang mga braso nya sa leeg ko para yakapin ako ulit.
"T.. teka. A... anong?" humiwalay sya sa mala.koala na pagkakapulupot sa leeg ko.
"Miss me too, Baby?" sabay kindat sa akin. Bagay na nagbigay ng reaksyon sa noo ko para kumunot.
"What are you doing here?"
"Obviously, I'm here for you." ngumiti sya ng malawak. Seducing. Pumunta sya sa swivel chair ko at kumindat muna bago pa man umupo.
"Matagal na tayong tapos." iniiwasan ko ang magtama yung mga mata namin. Isa isa kong kinuha yung mga files sa incoming na kailangan ko i.review. Kailangan ko itabi ang mga ito bago pa man gumawa ng hindi maganda ang babaeng nasa harap ko.
"I didn't expect you to welcome me that cold, baby." nakakainis syang tignan na naka.crossed legs sa swivel chair ko habang pinaglalaruan ang sign pen sa mga kamay nya.
Hindi pa ako nakaka.recover sa pressure kanina habang ni.re.review yung proposal namin para sa bidding. Tip sa akin ni Mom na kailangan at any point daw ay maging convincing na cost saving ang pagpili sa amin na maging contractor ng target naming client. Nabasa na ni Mom ang draft proposal ko at maganda raw pero may iba pang kailangan ng broader explanations.
Iniisip ko palang na nalalapit na ang bidding eh sumasakit na ang ulo ko. Idagdag pa yung lungkot na hindi ako makakauwi sa bakasyon para makasama si Charlie. Hindi ko na magagawa yung sorpresa na matagal ko ng balak na gawin para sa anniversary namin. Nakakalungkot talaga.
"Kanina kapa dito baby." tumayo sya at lumapit sa akin. "Actually kanina pa ako naghihintay ng lunch para sabay na tayo kumain." sobrang lapit na nya ngayo sakin. Inayos nya yung kwelyo ng polo shirt ko pababa sa laylayan hanggang sa sinturon ko.
Pakiramdan ko na.estatwa ako sa kinatatayuan ko ngayon. Ayaw ko mag.react sa ginagawa nya. Naiinis ako na sobrang lapit nya sakin. Gusto ko na sya itulak pero hindi pwede. Respeto nalang sa mga magulang nya na sobrang bait sakin kaya hindi ko man sya masaktan.
"Marami pa akong gagawin." matigas na sabi ko.
"You can do it after lunch." pakiramdam ko ngayon may ahas na nakapulupot sa katawan ko at wala akong karapatan gumalaw kung ayaw kong makagat.
"May packed lunch ako. Ginawa ni Mom. You can just have your lunch outside." Inalis ko ang mga kamay nya sa dibdib ko at pumunta sa round table na malapit sa maliit na ref na binigay ni Mom sakin.
Si Mom ang bumibili ng mga stock ko sa ref at ginagawa nya din ako ng packed lunch. May microwave oven din sa gilid kung gusto ko man mag.preheat ng food. May divider naman ang office at mini dining area. Pinagawa din ako ni Mom ng maliit na kwarto sa kabilang dulo na may tv at closet kumpleto nga ito incase daw na maging hectic ang trabaho ko.
Sabi nga nila, mother's knows best.
"No thanks. I want to eat lunch here with you." ayan na naman ang mapangakit nyang ngiti. Mapanganib at makahulugang ngiti.
Maya maya pa dumating ang deliver ng pizza at pasta. Mautak na babae, nagpadeliver na pala sya an hour ahead para daw magkasabay kami na kumain.
Hindi ko alam kung paano ko natatagalan ang presensya nya. Hindi ko sya maitaboy ng tuluyan kahit ilang beses ko na
sinubukan kanina. Tuloy, ang ending eh sabay kami kumain. Priority ko na maubos yung pabaon ni Mom kaya yun ang kinain ko. Sumuko naman ako sa tukso ng mga pagkain na pinadeliver nya dahil lahat yun at paborito ko. Paborito namin ni Charlie
Kamusta na kaya sya? Pag nalaman nya kung ano nangyayari sakin ngayon, sigurado na masasaktan sya.
...
Kung bakit kung kelan ko gustong pabilisin ang oras e saka naman sya lakad pagong sa bagal. 7pm na ng gabi pero andito parin sya. Ngayon palang sya napadpad sa office namin at gaya ng inaasahan lahat ng meron dito pinakelaman nya. Hinayaan ko lang syang magpikot ikot sa office kahit alam kong nakakailang ang presensya nya. Bigla syang nawala kanina ay hindi ko alam kung san nagpunta.
Masyado akong napagod sa araw na ito. Madaling araw pa kasi ako gising. Nag.quick shower muna ako. Bukas, tatawagan ko si Charlie dahil sobrang miss ko na sya.
...
.hinahaplos nya ang pisngi ko. nakita ko sya -pero malabo. masyadong madilim. hinalikan nya ako. soft kiss yun na para bang sabik? ano ba ito? bakit buhay na buhay ang anino sa panaginip ko. anong gagawin ko? wala pang ganitong pangyayari sa buhay ko nuon, pano ko ito gagawin? hinayaan ko nalang sa hangin ang nagtatalo kong isip at katawan. sumabay nalang ako sa kung ano man ang gusto nya. siguro naman kahit hindi ko pa alam, magagawa ko rin ito ng tama...
...
Sunday ngayon kaya hindi ako nag.alarm. maliwanag na sa labas. Ang sarap ng tulog ko. Ngayon lang ulit ako nakatulog ng ganun kahaba. Ang sarap sa pakiramdam.
Natigilan ako pagkatapos kong gumalaw ng bahagya. May naka.yakap na naman sakin at ang aga aga naman! Pinag.masda ko yung kamay na yun. Yung singsing na yun! Pagpihit ko sa kaliwa...
"Goodmorning baby." nakangiti ito sakin habang naka.haplos sa pisngi ko.
.
.
.
.
.
.
"Chloe?"
BINABASA MO ANG
Akap
Teen Fictiona.k.a Phoenix Gaya ng ibong malayang lumilipad at nakapaglalakbay sa kahit saan sa mundo. I use to hide myself behind the name. I had too. It's just when I found out that there can be another place to find somebody to talk to. Because I am mute. Not...