eight

15 0 0
                                    

-3rd Party's Point of View-

AKAP - Eight

Hinatid ni Coby si Charlie pauwi. Hindi na nya pinalagpas ang grasya. Alam nya kasi na makakatipid sya kahit na one ride lang. Tamang tama ito sa iniipon nyang pera na pambili ng regalo kay Zach para sa anniversary nila.

"If life is so short, I want to take the chance before we run out of time.."

Masaya sya. Ito ang isang bagay na hindi nya maitago sa sarili nya. Idagdag pa ang pagtunog ng phone nya na senyales na may nakaalala sa kanya. Dumiretso muna ito sa loob ng bahay. Sa kwarto nya nalang naiisipan na tignan ang phone nya.

"Aba, ang lawak ng ngiti  ah?"

Nasorpresa sya sa narinig na boses. Himalang naabutan pa nya ang Kuya Red nya sa bahay na pababa ng hagdan. Ang gwapo talaga ng Kuya lalo na sa long sleeve na blue na suot nito na pinarsan nya ng light color na necktie at slack na suot. No wonder na pinagpapantasyahan ito  ng bestfriend nyang si Yen. Bagay na hindi naman lingid kay Kevin.

"Syempre, maganda ako eh." pagbibiro nito. Sa bahay nya lang nasasabi ang ganitong mga linya dahil nakakahiya kung maririnig ng iba ang pagbubuhat nya ng bangko.

"Asus." Isinara lamang nya ang pinto ng magulat sya nung pagharap nya ay bumulaga nag Kuya Red nya sa harap nya. Kita mo sa mata nito ang masamang balak sa tinititigan nyang paper bag.

"Oh, yang mata mo may masamang pakay yan ah?" iniwas ni Charlie ang paper bag at inilagay sa bandang likod nito.

"Oyy.. nakita ko yun bunso." lalo pa itong lumapit sa kanya na para bang nang-aamo ng tupa. Tangan nya ang mata nya na sabay ngumiti sa lips nyang rosy pink.

^___^

"And so?" pagtataas nya ng kilay sa Kuya nya. Umalis ito sya sa harap nito ng patagilid sa paraan na mailalayo nya ang paper bag na puno ng chocolates na galing kay Coby. Sigurado syang hindi sya titigilan ng Kuya nya dahil paborito nito ang chocolates more than she does.

"Penge ako nyan. Ang dami dami naman nyan eh." marahan na sumusunod ang Kuaya nya sa kanya.

"Ayoko nga! Kahit minsan pwede naman ako magdamot noh!" pagtataray nya. dumiretso sya hanggang sa hagdan sa pagiiisip na paalis na din naman ang Kuya Red nya na takot ma-late.

"Sige na. Isa lang naman eh. Babaunin ko." Maling mali sya sa iniisip nya na nagmamadali ang Kuya nya dahil nakasunod pala ito sa kanya. 1 meter ang layao nya dito. 

Pipigilan nya ba ang matawa? Yung hitsura kasi ng Kuya nya ay parang bata na nagmamakaawa na makahingi ng candy sa kapatid nyang nakakatanda. Sa tanang maraming taon ay lagi syang sunod sunuran sa Kuya nya na hindi naman talaga masama ng ugali. Sadyang pilyo lang.

Bright idea ba ang gumanti kahit minsan? Nabuo kasi sa isip nya na bigyan ng dare ang Kuya nya bago nya bigyan ng  isang toblerone.

"Bukas nalang."  gusto na nyang bilisan ang pag-akyat pero di nya magawa. kinakapa lang kasi ng mga paa nya ang hagdan dail naka-focus sya sa posibleng paghabol sa kanya ng Kuya nya. Pero hindi naman mukhang manghahabol ang Kuya nya bigala naman ngumiti.

o__O "Huh?"

"Bibigyan mo ako, o pagsisisihan mo?" tinaasan sya nito ng kilay. Yung ganitong lines ang ayaw nya dahil sigurado ng may balak ang Kuya nya na hindi na naman nya magugustuhan.

"Ayaw ko nga. Bukas nalang pag uwi m-----"

"Aha!" nabigla ako ng lingon ng naramdaman kong may kumuha ng papaer bag sa likod ko.

AkapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon