AKAP - Fourteen
- Coby -
Napakamot nalang ako ng batok ko nung makita ko na naka-log off na si Also known as Pigeon. Hindi ko ba nasabi sa kanya na babalik din ako ulit?
Sinubukan ko i check ang chat box namin.
be back in an hour.. i miss you.
Jeez. Nainip na ata sya sa paghihintay. Ten pm na ng gabi ngayon at seven pm pa yung huling pm ko sa kanya. Ano pa nga ba ang magagawa ko e naka-offline na sya? Naisipan ko nalang ulit na bumalik sa kama ko. Pwede na akong matulog tutal nakapag message na ulit ako sa kanya.
.
.
.
AAAAARRRGGGHHHH!
Di ata ako patatahimikin ng mga nalaman ko kanina kay Charlie. Hindi naman ako kaagad nakauwi nun dahil pinatuloy pa ako nina Tita Carla kanila pagkatapos ko ibigay yung pinadala ni Mom na mga pagkain. Ang Mom ko talaga napaka-sweet, lahat ng niluto nya may nakatabi na para sa family ni Charlie. Nabanggit ko na din sa kanya na anak ni Tita Carla si Charlie and sya yung bunso.
Small world daw sabi ni Mom at syempre tuwang tuwa naman sya kasi nagkaroon na ulit ako ng kaibigan after 3 yrs --- na ipinakilala sa kanya. Bukod kasi kay Troy, yung bestfriend ko na hindi ko na din alam ang balita sa lalaking yun eh yung members lang ng banda ang kilala ni Mom na mga kaibigan ko.
2 yrs na din nung huli akong kumanta sa banda. Oo, kahit naman pano e marunong ako kumanta and my Mom had come to be my No. 1 fan. Alam ko na kahit hindi nya aminin eh nalulungkot sya dahil buong buhay ko ang naapektuhan ni Chloe. Pati mga kaibigan ko nilayuan ko para makapag.isip. Dalawang taon na rin akong loner sa mundo kong walang kulay simula ng nawala si Chloe.
Ito na siguro yung tamang panahon para magsimula ako ulit. Kung paano? hindi ko pa alam. Basta sasabay nalang ako sa agos ng buhay. Ayaw ko na ulit marining pa sa mga taong mahal ko sa buhay na nanghihinayang sila sa nangyari sa akin. Ngayon, bubuksan ko na ulit ang puso ko sa susunod na pagkakataon para magmahal.
Bakit nga ba hinayaan ko ang sarili ko na maapektuhan ng mahigit 2 taon?
Nakakatawang isipin na dumaan nalang ang halos 3 taon, at ako? heto at survivor na ng sakit ng nakaraan ko.
Nalala ko bigla si Pigeon, ang shadow friend ko sa chatroom. Nakilala ko sya five years ago pa. Highschool palang talaga ako nun taon na yun at wala pang Chloe sa mundo ko. Hindi ko na matandaan kung pano kami nagka.kilala, kung pano ako napunta sa chatroom ng "Hugs" at lalo na kung pano ako nagkainteres sa chat. Ah, ewan, ang tanging natatandaan ko ay si Troy na pumilit sakin na gumawa ng account.
Natauhan ako ng biglang tumunog ang phone ko. Nag.pm si Pigeon! late at night na pero bakit kaya gising pa sya?
hi phoenix! sorry talaga ha..
nga pala bumalik na yung frend ko, guess wat? binigyan nya ko ng mrming chocolates! :)Ugh. Girls talaga ang babaw, tuwang tuwa sa chocolates? Naalala ko tuloy si Charlie na binigyan ko din kanina ng chocolates. Bakit ba naisip ko pa sya eh galit nga pala aya sakin? -_-
- Charlie -
Nakakainis talaga, HINDI.AKO.MAKATULOG!
Halos padabog akong pumunta sa study table ko at agad binuksan ang laptop ko. Buti nalang sosyal na ang bahay namin dahil may wifi na. Salamat talaga kay Kuya Red kasi di na ako gumagastos ng prepaid broadband simula ng nagtrabaho sya. Nga pala yung laptop ko ngayon na pink regalo nya skin nun last year nun birthday ko. O diba, mahal na mahal talaga ako ni Kuya kahit nya ako binu.bully.
Malaya sa pagiisip ng kung ano anong walang kwenta ang isip ko habang hindi ko namalayan na nag.compose na ako ng message kay Phoenix at sa hindi ko din namalayan na na.sent ko pa pala!
that's good. seemed lyk you've had a great day? no wonder you 4got about me. haha :D
What?! Sinabi ko nalang na na.late ako ng uwi dahil napaka.kasi ni Coby kanina. Syempre hindi ko binanggit yung name na "Coby" sa kanya. A "friend" will do.
Ganito ang set up namin ni Phoenix for the past 5 yrs. Yeah, imagine, 5 yrs na akong nakikipag.usap sa isang tao na nasa likod ng code name na "Also known as Phoenix". Best friend ko na din sya bukod kay Yen, nga lang sa Chat lang dahil wala naman akong alam sa kanya kahit real name nya. Di rin naman nya alam yung name ko eh. Quits kumbaga kami.
Kahit nga mismo si Yen naiinis dahil hindi ko manlang daw alam ang pangalan ni Phoenix kahit 5yrs na kaming naguusap. Dumating din sa point na pati si Yen eh nagpunta sa chatroom ng Hugs para lang i.friend si Phoenix. 3 months din kinulit ng kinulit ni Yen si Phoenix para lang sa pangalan nito pero wala din naman sya napala dahil sobrang secretive talaga ni Phoenix. Hanggang ngayon naman may communication pa sila and Phoenix already know na real time bff ko si Yen.
haha .. i remember my frend fr you. i gave her chocolates and she did love those. ang babaw. ^_^
Ganito lang kami magusap. Laging general ang gamit. We don't talk about the names or places. Bakit? Wala sa amin ang nagtatanong.
I know we are friends but for me, wala padin akong right na magtanong. Minsan gustong gusto ko malaman yung pangalan pero dahil nirerespeto ko ung privacy nya eh wala akong magawa. I just make sure na kahit pano mabibigyan ko sya ng opinyon.
sus. wag kna kcng ampalaya jan frend. mingle na w/girls para maintindihan mo kami ulit diba. ^_^
Sana lang wag nya i.take yun negatively. Ito kasing si Phoenix 2 yrs nang walang girlfriend. Aba, sa tingin ko ung trauma sa ex.gf nya dati eh hindi pa nagagmot kaya halos naging woman hater na din sya.
ano kaba, diba nga lumabas na ulit ako. may bago akong fren sa skul ngayon..
Uy, buti naman at naisipan nya pa ang lumabas sa kweba ng ka.emohan nya after 2 yrs at tuluyan nagkaroong new friend.
girl sya. classmate ko sa ibang subjects at lunch buddy din.
Kaya pala medyo matagal kami hindi nakapag usap dahil pre-occupied na sya ng bago nyang friend.
Wait, bat parang ang sakit sa dibdib na ganun ang naiisip ko.
Friend lang din naman ako, jeez! Am I...
.
.
.
.
jealous?
BINABASA MO ANG
Akap
Teen Fictiona.k.a Phoenix Gaya ng ibong malayang lumilipad at nakapaglalakbay sa kahit saan sa mundo. I use to hide myself behind the name. I had too. It's just when I found out that there can be another place to find somebody to talk to. Because I am mute. Not...