Akap Twelve - Dinner at Coby's House
-Coby-
Kung papano ko sya napa-payag na sumama sakin? Simple lang. Hindi nya kasi alam inorasan ko yung time na tinanong ko sya kung pwede syang sumabay sakin pauwi. Tamang tama na tanaw ko ang wall clock sa kabilang building. Nung matapos ang 5 minute nagsimula na akong maglakad palayo ng hindi umiimik sa kanya.
-Flashback-
Nag.matigas ako nung una. Syempre. Tama bang sakin sya gumanti eh si Christophe naman yung dahilan kung bakit sya na-nominate sa contest? At dahil dun sinabi ko na kailangan nyang bumawi sakin by accepting my offer to drive her home.
Naramdaman ko nalang na may sumusunod na sakin pero hindi ko yun nilingon. Aba! ano akala nya, hindi ako marunong magtampo? Nagtuloy tuloy lang ako sa paglakad ko hanggang sa narinig ko na syang sinisigaw yung pangalan ko,
"Coby!"
Nakikita ko pa yung reaksyon nung ibang estudyante sa corridor bago ako bumaba ng hagdan. They don't have such a clue na ako yung Coby na yun. Nico at Aguilar ang tawag sakin ng mga Professors at classmates ko and the fact that only Charlie calls me that way, alam kong sya yung tumatawag sakin.
"Coby wait!"
Patay malisya lang ako. Paikot ang hagdan ng school kaya pagbaba ng kanan hagdan ay sa kaliwa naman ako bumaba. I saw Charlie rushing down on my periphera vision but I don't mind. As if I haven't heard of anything.
"Coby, sandali!"
Right after that call, I saw her drop her things downstairs and she started picking them up while managing to survey me approaching the first floor. I continued to walk. When I reached the ground, I no longer hear her calling me so I continued walking.
"Nico Gabriel Aguilar, ano ba! Tinatawag kita kanina pa!" she shouted. Loud enough to catch every student's attention in the ground floor.
Soon enough, I was staring at her facing the ground, holding both of her knees panting and her books on the floor. Mukhang sobra syang napagod sa pagbaba ng hagdan. I was stiffened. As if I was glued on the place I am standing. That's when I saw her getting near me.
"Didn't you hear me calling you for so many times?" argh. This girl is indeed loud.
"I did." I said. Emotionless.
"Geez, I'm not going to argue with you Coby, but how could you leave me there?" minsan hindi ko maintindihan itong babaeng 'to. Kanina lang pinagmukha akong tanga na naghihintay sa sagot nya. Tapos sinisigawan nya, ngayon bigla biglang kumalma?
"Look, you don't mind to make me wait for your answer in 5 minutes. I chose to rather go 'cause I mind that somebody is waiting for me at home." then I get my step back to where I was supposed to go.
"Hey, wait."
Ang dami mong drama na nalalaman. Kailangan ko ng umuwi. Bahala na siguro yung pangako ko kay Mom na makakapag-dinner ka sa bahay ngayon.
"Coby, saglit lang naman. Sasabay naman ako eh. Hintayin mo naman ako."
-End of flashback-
"Coby.."
"Huh?"
"Lumagpas na sa bahay eh. Teka. Kuya driver balik po tayo sa kabilang kanto. Lagpas na po kasi sa bahay namin."
"No." I said.
"What? Lagpas na sa bahay. Dun sa kabilang kanto yung bahay naming eh, nakalimutan mo naba?"
"Of course not."
"Yun naman pala eh. Kuya driver, U turn po tayo."
"No Kuya. Diretso lang po."
"What? Coby naghihintay na sila Mama sa bahay."
"Sa bahay ka mag-di-dinner."
"What? Hindi. Kuya Driver balik na po tayo kasi hindi ko na ala tong lugar na to. Naghihintay na sila Mama sakin. Please po."
Tahimik lang ako. Nakapasok na ng Dutchville ang kotse. Si Charlie naman hindi mapakali sa upuan nya.
"Kuya, para po sa tabi." sabi nya. trying to hold back her tears.
"No. Ihahatid nalang kita mamaya after dinner."
"What? Are you drunk Coby? Of course not. I'm going home. Hinihintay na ako ni Mama."
"No."
"Kuya para po sa tabi."
"No."
"Kuya please."
"Ihahatid nalang kita mamaya sabi."
"NO! I CANT MANAGE TO GO HOME ALONE SO LET ME GET OUT OF HERE!"
She shouted. The loudness just let Kuya Driver stop the car and unlock the doors. She then take her self out of the door. I just watch her walk away from behind the car. To let her feel that we didn't care, I told Kuya Driver to stop the engine. We parked 2 blocks away from where she left us.
Kampante naman ako na hindi sya basta basta makakalayo kaya nagpark muna kami. Wala halos lumalabas na tao sa village sa ganitong oras kasi malapit na din dumilim. Hindi nga ako nagkamali. We stayed were we parked the car. Umaandar ang oras, limang beses na syang nakabalik sa kanto na binabaan nya kanina. She must me tired enough 'coz I finally saw her sat on the sidewalk, hugging her legs, crying over her bended knees.
-Charlie-
Pang limang balik ko na ito sa kanto na ito mula kanina. Pakiramdam ko inilagay ko ang sarili ko sa isang maze na ako ang gumawa pero hindi ko rin masagot. I have my phone with me but how come I didn't come to anticipate the time I'll be needing it?
Naisip ko yung nagging ugali ko towards Coby. The guy who has been good to me ever since. Naisip ko yung sinabi nya na ihahatid nya ako pauwi pagkatapos ng dinner. Ano nga ba ang masama sa dinner na alok nya? Isa pa ihahatid naman nya ako pauwi. That guy have always been so nice. Yung inasal ko kanina walang ibanginiwan sa puso ko kundi guilt at awa sa sarili ko sa napala ko ngayon.
Naupo ako sa sidewalk. Walang sasakyan na dumaraan. Maya maya pa naramdaman ko nalang ang luha ko na umaagos sa pisngi ko.
Pano ako uuwi sa bahay kung hindi ko nga alam ang palabas sa subdivision na ito?
Ipinatong ko ang mga braso ko sa tuhod ko. Umaasa akong maya maya lang may dadaan din na sasakyan sa harap ko. Ilang minute na ang nakakalipas pero wala padin. Tahimik padin ako. Siguro kumakain na ngayon si Coby dahil kanina ko pa sya pinauwi. The thought made me cried.
"Bakit naman kasi hinayaan mo ako magisa dito? Kanina pa ako paikot ikot dito pero hindi ko makita yung daan papunta sa gate. Hindi mo ba naisip na hindi ko alam kung nasaang lugar ako? Hindi mo man lang ba naiisip na baka nagugutom na ako? "
"Alam ko, tara na para makakain na tayo."
"Hindi mo man lang ba naisip na baka hinahanap na ako nila Mama?"
"Alam ko, kaya nga ihahatid kita."
"Hindi mo man lang ba naisip na baka kung anong masama ang mangyari sakin?"
Tuloy tuloy padin ako sa pagiyak ko tangan ang lahat ng pagtatampo ko kay Coby. Ni hindi ko manlang napansin na may tao na pala sa harap ko. Hinawakan nya ang braso ko ang itinaas ang baba ko para makita sya. Blured ang paningin ko sa dami ng luha sa mata ko na nuon ay pinunasan nya.
"Shhhh. Hindi naman kita iniwan eh. Andun lang ako sa isang banda, binabantayan ka."
May ilang Segundo rin bago ko naisip na safe na ko dahil sya na ang nasa harap ko. Hindi nya ako iniwan.
****
zazriel <3
BINABASA MO ANG
Akap
Teen Fictiona.k.a Phoenix Gaya ng ibong malayang lumilipad at nakapaglalakbay sa kahit saan sa mundo. I use to hide myself behind the name. I had too. It's just when I found out that there can be another place to find somebody to talk to. Because I am mute. Not...